Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza Jak Roberto

Jak kapamilya na ang turing ng mga magulang ni Barbie

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAGKASAMANG ipinagdiwang nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang pagsalubong sa Bagong Taon sa pamilya ng aktres.

Makikita pa nga ito sa vlog ni Jak nang magpunta siya sa bahay nina Barbie at doon nagdiwang ng bagong taon.

Sa programang  Unang Hirit, sinabi ni Barbie na miyembro na ng pamilya ang turing kay Jak ng kanyang mga kaanak.

Kaya naman hindi na nila masyadong pinag-uusapan kung saan sila magse-celebrate ng holidays season.

Ang secure na namin sa isa’t isa eh, so hindi na tanong kung, ‘Ano magkasama pa ba tayong magpa-Pasko?’ Hindi na, matic na, eh,” ayon kay Barbie, na kasama sa Kapuso series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Dagdag pa ng aktres, “very at home” at “very comfortable” na si Jak sa kanyang pamilya.

Kitang-kita ko na very at home siya and very comfortable na siya around my family — both with my parents and even my relatives,” sabi pa ni Barbie.

Inihayag pa ni Barbie na nag-mature na ang relasyon nila ni Jak na nagsimula noong 2017.

The way we handle our relationship is very mature, practical, very chill, like super chill lang hindi na namin masyadong bini-big deal kung magkasama kami or hindi as long as tuloy-tuloy ‘yung pag-uusap namin, yung communication namin,” paliwanag niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …