Tuesday , November 19 2024
Althea Ablan Vince Crisostomo

Althea ayaw mag-stop, Vince tatapusin ang pag-aaral

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGPAHAYAG ng kanilang pananaw ang mga bida ng Prima Donnas na sina Althea Ablan at Vince Crisostomo tungkol sa usapin ng pag-aaral at pag-aartista.

Sa guesting nila sa Mars Pa More noong January 10, pinapili sina Althea at Vince kung ano ang mas gusto nila: online o face-to-face classes.

Sagot ni Althea, na kasalukuyang nasa high school, “Ako po, gusto ko po ipagpatuloy talaga ‘yung studies ko. Ayoko po mag-stop kasi sayang po ‘yung year, eh, kahit online. Struggle sa modules pero gusto ko mag-online class, ayoko mag-stop ng school.”

Para naman kay Vince, mas gusto niya ang face-to-face classes kahit na mas madali ang online classes para sa kanilang mga artista.

Aniya, ”For me, honestly, I think I prefer face-to-face. I think it’s more effective in terms of learning pero there’s also pros and cons to it. For example, kapag online class, it’s really convenient. Kung may taping, you can really just go to your Zoom and join the class.

“One of the reasons din is I prefer na nakikita ko ‘yung classmates ko, ‘yung professors ko na talagang mag-i-inspire sa iyo to study better. So I think I prefer face-to-face,” dagdag pa niya.

Ayon kay Vince, na nakapagtapos na ng high school noong 2020, magpo-focus muna siya sa pag-aartista pero may balak siyang tapusin ang kan­yang pag-aaral.

Pali­wanag niya, ” Kung bibigyan ako ng chance to finish college, I would kasi for example, once I’ve given an opportunity, I’ll take it right away kasi I’ve had many opportunities na nag-come and go na hindi ko nakuha, na I wasn’t able to say yes to it.

“Education has no age limit. At any point in my life, I could come back to it anytime.”

Sumang-ayon naman si Kuya Kim Atienza sa paliwanag ni Vince na maaari niyang balikan ang kanyang pag-aaral.

Anang beteranong host, “This is my kuya advice to you because all I want to be is on television but the break never came. If a break comes, you take it. ‘Pag may break ka sa showbiz pareho ng ganito ngayon, sa showbiz ka muna.”

Para naman kay Iya Villania (na nakapag-taping ng Mars Pa More bago tinamaan ng COVID-19), kung ano ang sa tingin ni Vince ang makabubuti sa kanya, ‘yun ang kailangan niyang sundin.

I would say, whatever works for you. Kung kilala mo ‘yung sarili mo at alam mo, ‘If I stop, hindi ko na ‘to babalikan, eh.’ Kasi may mga ganoong tao, eh. Kung alam kong hindi ko ‘to babalikan kasi siyempre makaka-experience ka na ng may pera nang papasok, parang, ‘Ba’t ko pa kailangan ipagpatuloy [‘yung] pag-aaral?’ So, if you know that you’re the type that, ‘Ok, iuunti-unti ko ‘to habang sinasabayan ko sa pag-aartista,’ I would also suggest that,” sabi pa ni Iya.

Speaking of Iya, patuloy siyang mapapanood sa Eat Well. Live Well. Stay Well ng Ajinomoto tuwing Biyernes bago ang Eat Bulaga! sa GMA.

Kasalukuyang nagpa­pagaling si Iya mula sa COVID-19 at kasama ang mister niyang si Drew Arellano sa quarantine.

About Rommel Gonzales

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Miss Universe crown

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo …

Roderick Paulate Mga Batang Riles

Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda

I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …