Monday , December 23 2024
Alfred Vargas Yasmine Vargas Family PM Vargas

Alfred ‘pag kinakapos ng paghinga —nakakapraning ‘di mo alam kung asthma o Covid

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

RAMDAM namin ang pag-aalala ni Cong. Alfred Vargas  sa kanyang tatlong anak. Nag-positibo kasi si Alfred sa Covid noong January 8 kaya sobra siyang nag-alala sa kanyang mga anak gayundin sa asawang si Yasmine.

Bagamat okey naman ang pakiramdam ngayon ni Alfred, sinabi nito sa  pakikipag-usap namin sa kanya na, “I’m feeling okay naman. Almost asymptomatic ako except lang for some light breathing issues brought about by my asthma.”

Aminado si Alfred na napapraning siya minsan dahil, “Nakakapraning lang minsan isipin kung asthma ba ito or epekto na ng covid?

When I found out na positive ako sa PCR, agad akong nagkulong na sa isang kuwarto  sa bahay,” kuwento ng aktor/politiko. “Nag alala ako agad sobra for my family na sana hindi sila mahawa. Buti na lang, they have all tested negative so far. 

“Miss na miss ko na sila. We all decided na mag-isolate kaming family per group muna para safe. Magkasama ‘yung dalawang girls ko, si Alexandra and Aryana, sa isang room. Then si Yasmine naman at si Cristiano magkasama. Si Yasmine ang nag-aalaga at nag-aasikaso sa aming lahat,” kuwento pa ng kongresista.

At kahit positibo sa Covid hindi rin pala tumitigil si Alfred sa trabaho at pagtulong sa kanyang nasasakupan kasama ang kapatid niyang si PM Vargas na tumatakbo namang Kongresista. Bale sa darating na halalan magpapalit sila ng posisyon. Si Alfred ang tatakbong Konsehal, at si PM ang kongresista.

Yes trabaho pa rin. Hindi naman nabawasan ang trabaho. Nadagdagan pa nga sa dami ng kailangang gawin. At least, because of technology, very productive pa rin tayo kahit wfh (work from home)

“Puro zoom meetings ako with my legislative staff and my admin staff. Palagi rin kaming nagbibigay ng tulong sa distrito.”

Negative naman sa RT-PCR test si PM kaya ito lang muna ang umiikot sa district 5 ng Quezon City.

Yes. Nonstop si PM. Tuloy ang serbisyo no matter what. He’s been going around helping people since March 2020, noong unang-unang beses pa lang nag-lockdown. Actually, ‘yung kanyang Facebook online raffle almost week 80 na yata! 

“We give medical assistance, gamot, vitamins, financial assistance, livelihood assistance, scholarship, tulong sa vaccinations, at maraming marami pa.” 

At sa patuloy na pagtaas ng Covid cases may paalala sina Alfred at PM.

Doble ingat po tayong lahat. Hangga’t maaari, sa bahay na lang po muna tayo please. Malalampasan natin ito. Dito naman sa atin sa D5 QC, parang pamilya na tayo, magkasama sa hirap man o ginhawa, anumang pagsubok ang dumating,” paalala ni Alfred na dalawang teleserye sa GMA at ilang movie sana ang ipo-prodyus ang pinalampas para lamang makapagsilbi at makatulong sa mga ka-distrito niya.

Mag-ingat ng todo-todo lalo na sa mga nagpa-positive. Ang omicron variant ay hindi biro dahil dumarami pa rin ang infected. Ang aming bilin bukod sa mag-ingat ay manalangin tayo dahil kailangan natin ang isa’t isa higit sa lahat ngayong panahon. Pinasilip lang tayo na mag-enjoy ng kaunti pero ngayon back to reality tayo, back to trabaho,” sambit naman ni PM.

At kahit mataas ang Covid cases tutulong at tutulong pa rin ang magkapatid na Alfred at PM. “Tutulong at tutulong pa rin tayo sa ating mga ka-distrito katulad ng nakasanayan na natin kahit wala pa ang pandemic na ito!” giit pa ni PM na lagi ring nakaalalay sa kanyang kuya Alfred.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …