Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sanya Lopez

Sanya kinakarir ang paggawa ng content sa Tiktok

RATED R
ni Rommel Gonzales

BUKOD sa husay sa pag-arte, kina-career din ng  First Lady actress na si Sanya Lopez ang paggawa ng content sa fastest growing social media app na TikTok.

Sa latest trend na Toxic challenge, hindi nagpahuli si Sanya sa pag-upload ng kanyang entry. Suot ang kanyang workout outfit at high heels, hot na hot na humataw ang aktres.

At dahil sa ipinakitang husay sa pagkembot at pagpostura habang sumasayaw, mas napahanga pa ni Sanya ang kanyang fans at followers. Ilang netizens ang nagpadala ng kanilang positive comments sa excellent dancing skills ng Kapuso actress.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 11.8 million followers si Sanya sa kanyang TikTok account.

Nito lamang nakaraang Disyembre, isang dance video rin ang in-upload ni Sanya sa kanyang social media accounts na mapapanood na kasama niyang sumasayaw ang bagong Kapuso actress na si Rabiya Mateo.

Mapapanood sina Sanya at Rabiya sa Book 2 ng Agimat Ng Agila ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. at malapit na ring umere ang Book 2 ng First Yaya, ang First Lady nina Sanya at Gabby Concepcion.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …