Sunday , December 22 2024
Alden Richards

Alden tutulong sa pagpapagawa ng bahay ng mga biktima ni Odette

RATED R
ni Rommel Gonzales

MASAYANG ipinagdiwang ni Alden Richards ang kanyang ika-30 kaarawan sa Amerika noong January 2.

Nitong Lunes, January 3, nakisaya naman online si Alden sa kanyang Eat Bulaga family na hinandugan siya ng isang birthday cake ng kanyang mga dabarkad.

Birthday wish ng aktor na tuluyan nang masugpo ang Covid-19 para makabalik na sa normal ang pamumuhay ng lahat.

Ang wish ko po ay makapag-enjoy sana tayong lahat at sana mawala na talaga ang Covid at mabawasan po ang mga pasaway. Simulan natin ng may positivity ang 2022,” pahayag ni Alden.

Bahagi naman ng kanyang birthday celebration, inanunsiyo ni Alden na tutulong siya sa pagpapagawa ng bahay ng ilang mga residenteng nasalanta ng bagyong Odette na choices sa Bawal Judgemental noong Lunes.

“Dahil naman po birthday ko rin ngayon, siyempre naghahanap din po ako ng paraan para makatulong sa mga dabarkad nating naapektuhan ng bagyo. Eh, babakas din po ako ng kaunti, tulong po sa lahat ng mga choices natin [sa Bawal Judgemental] ngayon.

“Para po sa pagpapatayo ng kanilang mga bahay galing po sa akin, so thank you po sa ‘Eat Bulaga’ for this opportunity para ma-rehabilitate po at maitayo nila ang mga tahanan nilang nasalanta ng bagyo,” sabi pa ni Alden.

Natuwa at bumilib naman ang ilang Eat Bulaga hosts na sina Vic Sotto, Jose Manalo, at Wally Bayola sa ginawang pagtulong na ito ng aktor.

Abangan si Alden sa huling linggo ng The World Between Us8:50 p.m sa GMA Telebabad at sa kanyang upcoming docu-concert niya na ForwARd sa January 30, 2022, 8:00 p.m..

Mapapanood naman ang Eat Bulaga, Lunes hanggang Sabado, 12 p.m sa GMA.

About Rommel Gonzales

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …