HATAWAN
ni Ed de Leon
SI Andrew Muhlach magbo-bold na? Natatandaan pa namin iyang batang iyan na ipinapasyal noon ni Cheng Muhach sa Star City.
Kung sabihin noon ni Cheng, “hindi iyan magiging gaya ni Aga, pero hindi mo masasabi.” Sa mga salita niyang iyon alam namin sooner or later gagawin din niyang artista si Andrew.
Ang sumunod nga naming narinig, kasama na si Andrew sa remake ng Bagets sa telebisyon, pero hindi iyon nag-click talaga kaya nawala rin. Si Andrew naman nakasama sa iba’t ibang assignments bilang support. May confusion pa minsan dahil dalawa silang baguhang Muhlach, siya at si AJ.
Nagulat kami noong isang araw, sa virtual presscon niyong pelikulag Siklo, si Andrew ay gaganap na ng matured role. Congressman siya sa pelikula at inamin niya na may bed scene siya sa pelikulang iyon. Ang bilis ng talon ng career niya from a wholesome male star ngayon ay iba na ang character, my bed scene pa.
Pero ganoon talaga ang buhay ng isang artista. Kung ano ang role na dumating kailangang gawin mo. Hindi ka puwedeng artista kung mamimili ka pa ng role na gagawin mo.