HATAWAN
ni Ed de Leon
TUMATAGINTING na P150K ang kailangan mong ihanda kung gusto mong maka-date ang isang actor at TV personality na sikat ngayon. It doesn’t matter kung bakla o matrona ka pa, for as long as you can afford his price ok lang sa kanya at wala na kayong marami pang usapan.
Napakataas ng “talent fee” pero sinasabi nga ng mga naka-date niya, “tinutumbasan naman niya ng talent.” Ang feeling mo ay, “parang asawa mong hindi mo naka-sex ng isang taon.”
Ang madalas daw niyang date ngayon ay isang matronang jeweler, na talagang baliw na baliw sa actor.
“Hindi bale nang maubos ang pera basta ganoon ka naman kaligaya,” sabi pa raw niyon.
Sino kung ganoon ang yayamaning actor na ito, na sa isang gabi lamang ay kumikita ng P150K? At marami na raw siyang client, pati na ang bading na mayamang realtor.