PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibongga
NAKAAALIW ang New Year post ni Pauleen Luna-Sotto na makikita ang anak niyang si Tali kasama ang Daddy Vic at Kuya Vico nito.
Pero mas naaliw kami sa nakasulat na caption: “Tali: Kuya Vico looks like daddy!”
Mukhang na-realize ni Tali na carbon copy ng kanyang Daddy Vic ang Kuya Vico niya.
Pinasalamatan din ni Pauleen si Vico sa pagbisita nitong New Year. Sinabi pa niyang suportado nila ang mayor ng Pasig City na tumatakbo for re-election sa darating na halalan.
“Happy to see Vico again! Last time we saw him was around the same time last year. Thank you for taking time to see us yesterday! We’re always praying and rooting for you @vicosotto God bless!” ani Pauleen.