Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Mel Sarmiento

Kris, dinelete ang IG posts kasama si Mel Sarmiento

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibongga

KAPANSIN-PANSIN sa Instagram ni Kris Aquino ang pagkawala ng mga post niya kasama ang fiance niyang si dating DILG Secretary Mel Sarmiento.

Kabilang sa mga deleted post ang announcement ng engagement nila noong October 24 gayundin ang biglaang date nila sa isang fastfood chain pagkatapos dumalo sa isang kasal. Pati ang interview ni Bimby kina Kris at Mel ay nawala na rin.

Ang tanging natirang post na nabanggit ni Kris sa caption si Mel ay ang Christmas post ng Queen of All Media na binira niya ang kanyang bashers na kinukuwestiyon ang lantaran niyang paghahayag ng pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng bagyong Odette. 

Sinabi pa ni Kris na, “kasi united kami ni Mel.”

Kaya naman mainit na pinag-uusapan sa social media at maging sa online kung hiwalay na ba ang dalawa matapos lang ang ilang buwang ma-engage.

Hinihintay tuloy ang susunod na post ni Kris kung ano ang iaanunsiyo o ipaliliwanag nito tungkol sa kanila ni Mel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …