ni
PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
MAY pasabog agad si Winwyn Marquez sa pagpasok ng 2022 sa pag-anunsiyo na babae ang kanyang magiging first baby sa isinagawang gender reveal na mapapanood sa kanyang YouTube channel.
Magkasama nilang pinutok ng kanyang non-showbiz partner ang lobo na naglalaman ng pink confetti na sumisimbolo na girl ang magiging baby nila.
Dinaluhan ang gender reveal ng kanilang families and friends. Siyempre nandoon ang parents ni Winwyn na sina Joey Marquez at Alma Moreno.
Tumama nga si Joey sa kanyang wish na baby girl. “I’m very happy… an addition to the family. And I just wish it’s a girl. Goodluck and more power anak,” saad ni Joey sa interview bago ang gender reveal.
KinOmpirma ni Winwyn na buntis siya sa grand presscon ng pinagbibidahan niyang Nelia, na isa sa official entries sa 2021 Metro Manila Film Festival. Naglabas din siya ng vlog tungkol sa kanyang pagbubuntis.