Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barretto Family New Year

Claudine at Marjorie magkasamang sinalubong ang Bagong Taon

USAP-USAPAN ang pagkalat ng picture na magkasama sina Claudine at Marjorie Barretto sa family New Year photo kaya marami ang nagtatanong kung nagka-ayos na ba ang magkapatid.?

Ngayon lang kasi muling nakitang magkasama sa isang okasyon ang mag-ate pagkatapos magkaroon ng away noong October, 2019, ito iyong burol ng kanilang yumaong ama na si Miguel Barretto.

Sa Instagram post ni Claudine noong Dec. 31, 2021, ipinakita niya ang naganap na reunion ng Barretto family sa mismong New Year’s Eve.

Anito, “Hi from Olongapo! Hello! Happy New Year!” sa video niya na ipinakita ang anak na si Sabina, kuyang  si Mito Barretto, at anak na si Lucas. Bumati rin ang anak ni Marjorie na si Leon Barretto, at ang sister-in-law ni Claudine na si Connie.

Nagbahagi rin sina Sabrina at Leon sa kanilang Instagram Stories ng mga kaganapan sa kanilang family reunion. Naroon si Marjorie at mga anak katabi ang inang si Inday Barretto at sa kabilang bahagi naman ang pamilya ni Claudine.

Wala namang ipinakitang magkausap sa picture o video sina Claudine at Marjorie kaya hindi pa rin masabi kung nagkabati o nagka-ayos na nga ang mga ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …