Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alexa Ilacad Eian Rances

Alexa Ilacad at Eian Rances, nagkakamabutihan na nga ba?

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

MARAMI ang naiintriga kung nagkakamabutihan na nga ba ang Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 ex-housemates na sina Alexa Ilacad at Eian Rances dahil na rin sa kanilang sweet na palitan ng messages at posts sa social media.

Sa kanyang Instagram ay nag-post ng sweet na pagbati si Eian para kay Alexa sa pagsapit ng Bagong Taon.

The last months have been a roller coaster ride, but all worth it kasi andun ka. Thank you for being you. Happy New Year @alexailacad,” ayon sa caption ng IG post ni Eian.

Nag-reply naman si Alexa sa comment section ng, “Happy New Year sa inyo ni Gifu.”

Bago ito, may paunang sweet gesture na si Eian nang padalhan niya ng roses si Alexa.

Sa IG stories ni Alexa, ibinahagi ng aktres ang photo ng pink at red roses na ipinadala ni Eian kasama ang sweet note na: “Maglalakbay patungo sa kung saan, kahit walang kasiguraduhan, dala-dala ang napagkasunduan, na tayo lang ang may alam.”

Nagpasalamat naman si Alexa sa sweet gesture ni Eian.

Naging close ang dalawa noong nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya, na inamin ni Eian na crush niya si Alexa. Pero nagkaroon sila ng misunderstanding nang hindi na magustuhan ni Eian ang pagiging sobrang clingy ni Alexa. Pero later on ay nagkaayos din sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …