Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz Angelina Samantha Francheska

Sunshine tinalakan netizens na nag ‘Maritess’ na buntis si Sam

HINDI pinalampas ni Sunshine Cruz ang mga fake news na naglalabasan ukol sa kanyang ikalawang anak na si Sam, ang umano’y buntis ito.

Muli, naging tampulan ng mga Maritess si Sunshine kasama ang mga anak nito na ewan ko ba naman at paborito talagang gawan ng tsismis. Hindi ito ang una na gawan ng fake news ang mag-iina. 

Ani Sunshine sa kanyang  Facebook post, “FAKE NEWS!

“So easy to destroy and make fun of someone by spreading lies on social media.

“Piliin nyo pinaglalaruan nyo huwag yung bata o MINOR pa. Sam Cruz,” giit ng aktres.

Ilang beses nang nabastos, ginawan ng fake news ang mag-iina ng mga taong walang magawa sa kanilang buhay. Mabuti na lang, hindi ito  pinalalampas ni Sunshine Pinagsabihan niya ang mga netizen na ang layunin ay manira ng kapwa.

Nagsimula ang pagpapakalat ng ilang netizens na buntis umano si Sam nang mag-post sa Instagram at Facebooksi Sunshine noong Pasko ng picture nilang mag-iina. Mayroon iyong caption na, “#Christmas2021 #family.”

Pinansin ng ilang netizens na tila nakatakip ang dalawang kamay ni Sam sa kanyang tummy. At mabilis itong ginawan ng istorya sa FB at Youtube.

Anang istorya sa FB, “FINALLY! SAM CRUZ PREGNANT?”

May­roon ding, “USAP-USAPAN NGAYON NG MGA MARITES ANG ISA SA DALAGANG ANAK NI SUNSHINE CRUZ, BUNTIS NGA RAW BA ITO?”

May nag-post din ng,  ”Maaaars paskong pasko walang patawad sa tsismis ah. Pero mukhang buntis nga.”

Dahil dito nakatikim sila ng talak mula kay Sunshine. Hindi niya ito talaga pinalampas at iginiit na pumili ang mga netizen ng kanilang paglalaruan. (MV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …