Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Padiila Julia Barretto

Dennis gustong bumawi sa mga anak lalo na kay Julia

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

OKEY na pala si Dennis Padilla sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto lalo na kay Julia Barretto.

Sa virtual media conference ng Sanggano, Saggago’t Sanggwapo @: Aussie! Aussie! O Sige! na mapapanood na simula ngayong araw, December 31, 2021 sa Vivamax, naikuwento ni Dennis na medyo okey na sila ng kanyang mga anak at inaming nagkulang siya sa mga ito.

Aniya, dahil sa pagkukulang niya bilang tatay sa mga anak, babawi siya sa mga ito at ipararamdam ang wagas na pagmamahal.

Okay naman (kami ni Julia at iba pang mga anak). Although siyempre parang nagsisimula ka ulit. So, galing kami sa misunderstanding. So now nagsisimula pa lang kami. So one step at a time, building it up again,” ani Dennis.

Sinabi pa ng veteran comedian na mahalagang open ang communication para lahat ng nararamdaman pwedeng nasasabi agad.

So ganoon din sa side nila, kailangan naka-open ‘yung communication at tuloy-tuloy para mayroon kayong magandaang napag-uusapan, may magandang napupuntahan ‘yung mga topic ninyo,” sambit pa ng isa sa bida Sanggano, Saggago’t Sanggwapo @: Aussie! Aussie! O Sige! kasama sina Janno Gibbs at Andrew E.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …