Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Milana Ikimoto

Milana Ikimoto, handang patakamin ang mga barako sa taglay na kaseksihan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAABANG-ABANG ang pagpapatikim ng alindog sa mundo ng showbiz ng hot na hot na newcomer na si Milana Ikimoto sa pagpasok ng year 2022.

Si Milana ay 19 years old at tubong Cavite. Siya ay isa sa bagong talents ng Viva Hot Babe na si Maricar dela Fuente. Si Milana na isang half-Pinay at half-Japanese ay pumirma ng five year contract sa Viva at nakatakdang gumawa ng movies sa pagpasok ng taong 2022.

Sa vital statistics niyang 36-25-36, tiyak na maraming barako ang matatakam sa taglay na hotness ng seking-seksing newbie actress.

Ipinahayag niyang nang naging contract artist siya ng Viva, ay sobrang ligaya ang kanyang naramdaman.

Aniya, “Siyempre po, talagang I felt happy na finally may bagong opportunity na dumating sa buhay ko.”

Never pa raw nag-acting workshop si Milana, kaya by January ay isasabak siya rito ng Viva top honcho na si Boss Vic del Rosario.

Ano ang first project na nakatakda niyang gawin sa Viva?

Tugon ni Milana, “Sa movie po wala pa po ako talagang idea kung ano at kung kailan ito magsisimula.

“Pero ang sabi po, may dalawang movie po na hindi muna raw ako magiging lead, kumabaga ay ipapakilala muna ako sa two movies na iyon, then lead movie na raw po, sabi ni boss Vic.”

Ano ang masasabi niya sa kanyang manager? “Si Miss Maricar po is super nice and maalaga siya.”

Pagdating naman sa limitasyon sa paghuhubad o pagpapa-sexy sa pelikula, ito ang sinabi ni Milana, “Siguro when it comes sa pagpapakita ng katawan, yung lower part ng body ko ang hindi ko ipapakita.”

So, game siyang ibuyangyang ang kanyang boobs sa movies?

Saad ni Milana, “Iyong boobs ko po ay willing akong ipakita sa mga scenes sa movies, pero ang bandang ibaba po ay hindi.”

Ayon pa kay Milana, itinuturing niyang sexiest part ng kanyang body ang malulusog niyang dibdib. At napapansin niyang ito ang madalas daw na tinitignan sa kanya ng mga kalalakihan.

“Ang unang mas napapansin sa akin ng boys, itong boobs ko po,” pag-amin ni Milana.

Naiilang ba siya kapag nakatingin ang mga barako sa kanyang boobs?

“Hindi naman po, hindi ko naman kasi kayang kontrolin ang isip nila, hehehe. Pero siyempre, hanggang tingin lang po sila dapat, hehehe,” nakangiting sambit pa ni Milana.

Ang mga babaeng tulad niya na may angking mapanuksong kariktan ang type na type ng mga member ng opposite sex.

Sa taglay niyang beauty at kaseksihan, plus sa pag-aalaga sa kanya ng Viva, hindi kami magtataka kung si Milana ang susunod na maging pantasya ng maraming brako!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …