Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tom Rodriguez Odette

Tom nasaksihan ang galit ni Odette, humingi ng tulong at dasal

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISA ang Kapuso leading man at The World Between Us male lead actor na si Tom Rodriguez sa nakaranas ng pananalasa ng bagyong Odette!

Nasa probinsiya si Tom nang sagasaan ni Odette ang mga lugar ng Visayas, Mindanao at mga karatig probinsiya.

Sa video posted ni Tom sa kanyang Instagram account, makikita si Tom at iba pang mga bisita na patungo sa ballroom ng hotel na naroon sila nang inabutan ng napakalakas na bagyo.

Hindi na sinabi ni Tom ang eksaktong lugar o probinsiya kung saan siya naroroon.

Ayon pa kay Tom na nagsasalita sa video, pinayuhan sila na magpunta sa ballroom ng hotel para sa kanilang kaligtasan.

Kasalukuyang may ginaganap na kasalan sa naturang ballroom.

Ayon pa sa caption ni Tom sa kanyang IG video…”A bit of a panic for everyone here. Stay safe and vigilant everyone. Malalampasan din natin to.”

Ipinakita rin ni Tom kung paano nanalasa sa kinaroroonan nila si Odette; may mga puno na nabunot mula sa lupa,  mga sasakyan na tinangay ng malakas na hangin mula sa kinaroroonan ng mga ito, at mga nagibang pader ng hotel.

Hindi na nabanggit ni Tom kung kasama niya ang misis niyang si Carla Abellana sa kinaroroonan niya noong nakatatakot na mga sandaling iyon.

Walong landfalls ang ginawa ng bagyong Odette na nagdulot ng matinding pagbaha at kalamidad; sa Siargao Island, Surigao del Norte, Cagdinao, Dinagat Islands, Liloan, Southern Leyte, Padre Burgos, Southern Leyte, President Carlos P. Garcia, Bohol, Bien Unido, Bohol, Carcar, Cebu, at La Libertan, Negros Oriental.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …