Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angel Locsin

Angel Locsin nagbigay ng P2-M sa mga nasalanta ng bagyong Odette

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IBINULGAR ni Kris Aquino sa pamamagitan ng social media kung magkano ang ipinadalang tulong ni Angel Locsin sa mga nasalanta ng bagyong Odette na ipinadaan sa relief operation ni VP Leni Robredo.

Ani Kris, ”Nag-donate po si Angel Locsin ng P2-M kay Leni para po ipantulong sa lahat po ng nasalanta.” 

Dahil sa laki ng ibinigay ni Angel, sinabi ni Kris na, ”Kaya noong nalaman ko po ‘yun sinabi ko, kailangan higitan ko po ‘yung ginawa ni Angel.”

Hindi naman ito ang unang beses na nagbigay ng tulong si Angel sa mga kababayan natin. Noon pa man basta may sakuna, bagyo o kahit nitong pandemya, aktibo si Angel sa pagtulong.

Samantala, nasaHimamaylan  City, Negros Occidental noong isang araw si Kris kasama ang fiance na si dating DILG Sec Mel Senen Sarmiento para mamigay ng mga relief pack sa mga apektadong pamilya. Kasama rin nila roon si VP Robredo.

Marami naman ang nagpaabot ng papuri at pasasalamat kay Angel dahil sa walang sawang pagtulong nito sa mga nangangailangan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …