MA at PA
ni Rommel Placente
MATAGUMPAY ang katatapos na grand launching ng Ms L’s Beauty and Wellness Corporation’s The Product Show na pinangunahan ng CEO & President nitong si Loiegie Dano Tejada kasama ang mga business partner na sina Leslie Tobia Intendencia, Alfredo Cristobal II, Jose Mari Babasa, Gerry DeVera Gascon, at Benjardi Ante Raguero.
At kahit 2 months pa lang ang Ms L’s Beauty and Wellness Corporation, napakabilis ng paglago nito at lalong dumami ang mga taong tumatangkilik sa kanilang mga produkto na 1,000 plus na ang kanilang distributors.
Priority ng Ms L’s Beauty and Wellness Corporation ang maging healthy ang lahat ng Pinoy mula sa mga bata, teenagers, at senior citizen. Layunin naman nilang kumita,umasenso, at gumanda ang buhay ng kanilang mga distributor.
Ilan sa mga produkto ng Ms L’s Beauty and Wellness Corporation na malaking tulong sa magandang kalusugan ng bawat Pinoy ay ang Bihaku Slimming and Whitening Capsule, Ketodiet Slimming and Whitening Juice, Insulin Instant Coffee Mix Drink, Barley Slimming and Whitening Juice Drink and Rejuvinating Set.
Sa ngayon ay wala pang balak kumuha ng celebrity endorser ang Ms L’s Beauty and Wellness Corporation dahil mas gusto nilang bigyan ng pagkakataon ang kanilang mga distributor na maging ambassador ng kanilang produkto.
Pero if ever, napupusuan nila sina Marian Rivera, Kathryn Bernardo, at Liza Soberano.
Sa 2022 ay makikita na ang naglalakihang billboards ng Ms L’s Beauty and Wellness Corporation sa Luzon, Visayas, at Mindanao at abangan ang mga bagong produkto na kanilang ilalabas.
At para sa mga interesadong maging distributor ng mga produkto nila bisitahin lang ang kanilang social media account.