Friday , November 15 2024
Slater Young Kryz Uy

Slater Young nanawagan ng tulong sa Cebu — People really need help

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BAGAMAT hindi masyadong nasira ng bagyong Odette ang kanilang tahanan, nanawagan ng tulong ang dating PBB winner na si Slater Young kasama ang asawang si Kryz Uy para sa kanilang mga kababayan sa Cebu na lubhang hinagupit ngbagyo.

Sa pamamagitan ng kanilang vlog, ipinakita ng mag-asawang Slater at Kryz ang pagkawasak ng maraming bahay sa kanilang lugar.

“The typhoon hit us pretty pretty pretty bad. The whole city does not have electricity, no water. They said it’s gonna take one month for it to be back,” ani Kryz.

Ipinagamit at ginawang takbuhan nina Slater ang kanilang warehouse para roon pansamantalang sumilong.

“Our house, it survived but it was so scary that night. Slater and I were hiding at my closet because that is the only place where there aren’t any glass,” pagbabahagi ni Kryz.

Sobrang naapektuhan din ang koryente at signal sa kanilang lugar kaya nahirapan silang makakuha ng balitan.

Kaya naman nanawagan ang mag-asawa ng tulong para sa mga taong naapektuhan ng bagyo.

Ani Slater , ”We are making this video because we feel like… I don’t think Cebu is getting heard or like the rest of all the victims of typhoon Odette. It’s because we don’t see a lot of pictures o how bad it really is. Just to get internet, we are in our friend’s home. There’s just a few places in Cebu where you can actually find internet especially to upload photos and videos.

“It’s very hard to call people. I can’t call our family members, it’s very very hard. A lot of people are asking ask for help. It’s again very hard to coordinate to people to just give them help. Kami very thankful na we’re safe but a lot of the people around there, when you’re driving, it takes 4 hrs to get gas. It takes 3-4 hours to just get drinking water, if it’s available.

“Cebu is having a hard time. I’m sure like Siargao, Negros, Leyte, Bohol. We don’t know what information is being put out there because we don’t have access to the net but based on what we heard from our friend, nobody knows what’s going on here.

“Everything broke. Everything is wrecked. Things were exploding. The whole city.. is wrecked.

“People really need help.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …