SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NAINTERBYU na namin noon si Noel Comia Jr. at napag-usapan na namin ang tungkol sa pagkakaroon ng chance na makalabas sa Niña Niño ng TV5 bagamat nasa awkward stage siya.
Hindi naman siguro kataka-taka dahil bago ang serye sa TV5 napatunayan na ni Noel ang galing niya sa pag-arte. Itinanghal siyang best actor (actually, pinakabatang nakakuha nito) sa Cinemalaya 2017 mula sa pelikulang Kiko Boksingero. Sumali rin siya sa The Voice Kids na ang talento naman sa pagkanta ang ipinamalas niya. At bago ang mga ito, lumalabas siya sa teatro kaya hasang-hasa siya sa pag-arte.
Isa siguro iyon sa bentahe ni Noel kaya epektibo siya sa Nina Nino nila ni Maja Salvador.
Kaya sa mga blessing na natatanggap ni Noel, very thankful ito lalo nga’t nakakapagtrabaho siya kahit nasa awkward stage. Aniya, ”I feel blessed and thankful. Blessed because nabigyan ako ng pagkakataon na makaarte kasi nga hindi naman lahat ng nasa awkward stage ay napapa-arte at nabibigyan ng trabaho.”
Blessed din ang iba pang mga kasama sa Nina Nino tulad nina Empoy, Moi Bien, Dudz Terana, Rowi Du, Lilet Esteban, Yayo Aguila, Giselle Sanchez, JM Salvado, Welwel Silvestre, at Junyka Santarin dahil extended ang kanilang serye at nadagdagan pa sila ng mga makakasama.
Kaya naman linggo bago ang Pasko, may handog na regalo ang TV5 para sa mga Kapatid viewer. Dahil sa umaapaw na pagmamahal at suporta sa kanilang highly rated series, buong pagmamalaking ibinabahagi ng TV5 na ang Niña Niño ay ma-e-extend pa at marami pang hatid na mga sorpresa.
Simula kasi nang umere ito noong Abril ngayong taon, nakatanggap ang show ng record-breaking ratings at ginawaran ng Asian Academy Creative Awards bilang National Winner for Best Drama Series 2021. Kinilala rin ang outstanding na performance ni Maja kaya naman itinanghal siyang National Winner for Best Actress 2021.
“We would like to congratulate the stars and teams that were recognized by the Asian Academy Creative Awards. We have seen ‘Niña Niño’s’ great impact on our viewers and we think that this series extension would be a great gift for their supporters. Niña Niño reminds us to never give up despite the challenges we may face and that we can conquer anything as long as we have each other. It’s the perfect message that is in line with TV5’s ‘Atin Ang Paskong Ito, Kapatid’ campaign in this season of hope,” ani Cignal at TV5 President and CEO Robert P. Galang.
At bilang pagpapasalamat para sa pagmamahal at suporta ng kanilang fans, ipinagdiriwang ng Niña Niño ngayong Pasko ang kanilang mga tagumpay at ang mga bagong cast na makakasama, na kinabibilangan nina Matet De Leon, Jairus Aquino, Nikki Valdez, Alex Medina, Harvey Bautista, Nikko Natividad, at Mon Confiado.
Mas magiging kapana-panabik pa ang kaganapan sa Brgy. Santa Ynez dahil may magbabalik mula sa nakaraan at may mabubunyag na sikreto sa dalawang magkapatid na sina Niña at Niño.
Mapapanood ang Niña Niño sa TV5 tuwing Lunes, Martes, at Huwebes, 7:15 p.m., bago ang FPJ’s Ang Probinsyano at pagkatapos ng Sing Galing.