Sunday , December 22 2024
Alden Richards

Alden sa mga pinagdaanan sa buhay: Don’t rely on other, you are your own superhero

RATED R
ni Rommel Gonzales

KUNG mayroon mang isang  mahalagang natutunang aral  sa buhay si Alden Richards, ito ay ang tumayo sa sariling mga paa. Aniya, ”Ikaw lang ‘yung talagang makagagawa ng pagbabago sa buhay mo.”

Ayon pa kay Alden, ang kasalukuyan ang pinaka­mahalagang yugto ng kanyang buhay.

“Actually the most important moment in my life is now. ‘Where are you right now?’ ‘How do you look at yourself right now?’ ‘Where do you want to go?’” sabi ni Alden na nagdiriwang ng kaniyang ika-11 taon sa showbiz.

“‘Yung future kasi hindi ko siya masyadong pinaki­ki­alaman kasi si Lord lang ang may alam ng future natin, Siya lang ang tanging nakakikita niyan,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat ang Asia’s Multimedia Star sa mga pinagdaanan niya sa kanyang nakaraan.

“Actually all those are valid, all of those are acknowledged, the past, the present, which is now, and the future. Kasi the past is what really makes you who you are, so you don’t need to change that. All of the experiences you had, good, bad, happy, sad, are contributing factors to who you are at the moment, at the now, at the present,” saad niya.

“Me, personally coming from all those things that I have experienced in the past years in my life, siguro ‘yon ‘yung talagang what made me learn, how to conquer life and to really not rely on other people. You have to rely on yourself, kasi at the end of the day, you are your own superhero. Ikaw lang ‘yung talagang makagagawa ng pagbabago sa buhay mo,” dagdag pa ni Alden.

Para sa Kapuso actor, nariyan ang mga mahal sa buhay para sumuporta, pero nasa isang tao pa rin ang daan para iudyok ang  sarili na gawin ang mga kailangan niyang gawin.

“Kasi sila ang magsasabi nang magsasabi ng motivation sa ’yo, eh ikaw hindi mo ginagawa, you just let it pass. ‘Ay bata pa naman ako.’ Time is very important. So make sure you make good use of your time,” paliwanag niya.

Mensahe ni Alden para sa sarili, ”Siguro magpapasalamat ako sa kanya for always being motivated, and for always being a doer. Kasi I guess, ‘yon ‘yung nagdala sa ’yo kung nasaan man siya ngayon. I would like to thank him. And sana the burning passion to be of service and of help to other people always remain in him. Huwag sana siyang malunod sa mga material things of this world. 

“It doesn’t count. What counts is what you leave with other people na nakatutulong sa kanila and was able to change their lives, because you were there for them,” dagdag pa niya.

Bida si Alden sa Kapuso drama romance series na The World Between Us na leading lady niya si Jasmine Curtis-Smith. 

About Rommel Gonzales

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …