Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rosanna Jover

Former aktres na si Rosanna Jover, YouTuber na via Artistang Dentista

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

NAKILALA noon si Rosanna Jover sa mundo ng showbiz bilang kontrabida ng child star that time na si Janice de Belen. Ito ay sa top rating drama series na Flor de Luna.

Mula rito ay gumawa siya ng maraming TV commercials at ilang pelikula.

Pero dahil kailangan niyang mag-focus sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo noon sa CEU, kailangan niyang mamili between her studies and showbiz. At ang naging desiyon niya, iwan ang showbiz at tumutok sa pagiging dentista.  

After years of being absent sa mundo ng showbiz, nagbabalik siya bilang Doc Rosanna with her own YouTube channel, ang Artistang Dentista.

Aniya, “My goal here is to bridge the gap between the dentist and the patient. This will be an informative channel and viewers will have the chance to have information on common dental issues for free.

“Alam naman natin na maintaining our dentures is a bit expensive pero with this channel, maraming malalaman ang mga viewers na kung minsan ay puwedeng DIY na lang and hindi na kailangan pang dumalaw sa dentist. At the end of the day, madali lang naman talagang alagaan ang ngipin para hindi ito masira or mabulok.

“Prevention is the key and usually kayang-kaya itong gawin sa bahay. And ‘yun ang idi-discuss ko on our future episodes,” lahad pa ni Doc Mayang (nickname niya).

Bukod sa Flor de Luna, kabilang sa hindi malilimutang proyekto ni Doc Mayang ang 1983 film na Hot Property ni Lino Brocka at ang pelikulang ginawa niya na pinagbidahan nina The King – FPJ at Ramon Revilla, Sr.

Actually, nagbalik-showbiz na siya sa pelikulang Persons of Interest na pinagbidahan nina Allen Dizon, Dimples Romana at Liza Lorena. Ang direktor nito ay ang kapatid niyang si Direk Ralston Jover.

Ayon kay Doc Rosanna, hindi rin niya isinasara ang pintuan kung sakaling may offer na makasama siya sa pelikula at teleserye.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …