ni ROSE NOVENARIO
UMABOT sa 293 journalists ang nagdurusa sa bilangguan at 24 mamamahayag ang pinatay sa buong mundo ngayong 2021, ayon sa Committee to Protect Journalists (CPJ).
“It’s been an especially bleak year for defenders of press freedom,” sabi sa kalatas ng New York-based non-profit organization.
Nanatili ang China bilang main offender sa nakalipas na tatlong taon na nagpabilanggo ng 50 journalists. Kauna-unahang napasama sa talaan ng CPJ ang Hong Kong bunsod ng pagpiit sa walong mamamahayag dahil sa implementasyon ng National Security Law na ang secession, subversion, terrorism and collusion with foreign forces ay may parusang habambuhay na pagkabilanggo.
Habang ang Myanmar, may umiiral na military junta ay pumangalawa bunsod ng pagkulong sa 26 journalists mula nang ilunsad ang coup noong 1 Pebrero 2021.
Pahayag ng CPJ, ipiniit ang mga mamamahayag dahil sa pro-democracy protests coverage at kinasuhan alinsunod sa “a vague anti-state provision that broadly penalises incitement and the dissemination of false news” may parusang tatlong taon pagkabilanggo.
Nasa top five ang Egypt na nagpakulong ng 25 journalists, Vietnam ay 23 at Belarus ay 19.
Gaya sa Myanmar, karamihan sa mga mamamahayag na nakakulong ay dahil sa kanilang pro-democray protests at sa loob ng unang 15 araw ay hindi pa kinasuhan.
“CPJ has documented the beatings of journalists in detention as well as the authorities’ attempts to close media outlets, block the internet, raid newsrooms, harass journalists, and keep bringing new charges against those in jail. Many journalists have been detained multiple times,” pahayag ng CPJ