Friday , November 15 2024
Joy Belmonte

BELMONTE NO. 1 PA RIN SA QC — SURVEY
Track record basehan ng constituents

NUMERO UNONG kandidato pa rin sa pagka-alkalde ng Quezon City si Mayor Josefina “Joy” Belmonte at patuloy ang kanyang malaking kalamangan sa iba pang kumakandidato bilang punong-lungsod para sa halalang 2022.

Ito ang nasasaad sa huling independent survey na ginawa ng RP Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) gamit ang face-to-face na pagtatanong sa 10,000 residente ng lungsod na may 2 percent (+/-) margin of error sa loob ng November 16 hanggang November 26, 2021.

Iniulat ni Dr. Paul Martinez, chairman ng RPMD na napapanatili ni Mayor Belmonte ang kanyang malaking kalamangan at katunayan ay umusad at nadagdagan pa nang kaunti ang 60 percent nito nang matamo ang pagtitiwala ng mga botante sa lungsod, at ngayon ay pumalo na sa 62 percent.

Dagdag ni Dr. Martinez, malayo ang kalamangan ni Belmonte sa katunggali nitong si Anakalusugan Partylist congressman Michael Defensor na dumausdos pa ang dating 32 percent sa 30 percent na lamang.

Ang sabi ni Dr. Martinez, pabor pa rin ang mga botante kay Belmonte at hindi kay Defensor, dahil sa track record nito na pagsilbihan ang mga tinatawag na QCitizens hindi lamang sa pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo publiko, kundi pati sa pagtalima ng Mayora sa panganib nang sumailalim ang lungsod at ang buong bansa sa pandemyang dulot ng CoVid-19.

Sa pamumuno ni Belmonte, naigawad din nitong huli, ang pagkilala ng Department of Finance (DOF) sa lungsod bilang pinakamahusay na local government unit (LGU) sa paghawak ng mga nakokolektang buwis. Ang pagkilalang ito ng DOF ay siya namang tumugma sa naunang pahayag ng Commission on Audit (COA) nang maglabas ng unmodified or clean opinion sa tamang paghawak ng lungsod sa kaban ng bayan sa nagdaang taon ng 2020.

Sa pahayag ni DOF – Bureau of Local Government Finance (BLGF) executive director Niño Raymond Alvina sa pamamagitan ng isang memorandum, ang Quezon City sa taong 2020 ay nakapagtala ng kabuuang P21.757 bilyong nakolektang buwis, kabilang ang real property taxes, local business tax, at iba pang bayarin na galing sa mga lokal na negosyo sa lungsod.

Kinilala rin ang QC sa pamumuno ni Belmonte sa “year-on-year growth of 15.6 percent revenue” mula noong 2019 na may koleksiyong P18.81 bilyon o katumbas na pagtaas na P2.76 bilyon sa local revenues.

Pinasalamatan ni City Treasurer Ed Villanueva ang DOF-BLGF sa ibinigay nitong pagkilala sa lungsod at inihayag ang dahilan ng matagumpay na paghawak ng kaban ng bayan, ay ang mahusay na pamamalakad ni Mayor Belmonte na tinutumbasan ng taxpayers ng tamang pagbabayad ng kanilang buwis dahil sa pagtitiwala sa Mayora na gugulin ang mga pondo nang tama.

“Alam ng ating mga negosyante sa lungsod na ang buwis nilang ibinabayad ay mapupunta at makikita ng lahat na inagastos para sa mga pro-people projects gaya ng mga tulong at ayuda na agarang iniutos ni Mayor Belmonte bilang pagtugon sa ikaliligtas ng kalusugan ng lahat nang dahil sa panganib ng pandemya. Ito ay sa kabila ng pagbibigay pa rin ng mga social assistance sa mga poorest of the poor na residente ng lungsod,” paliwanag ni Villanueva.

Samantala, iniulat din ng RPMD na sa kanilang survey ay lumalabas din na halos lahat ng incumbent mayors sa Kamaynilaan ay may malaking pagkakataong maibotong muli dahil sa mga ipinakikita nilang “high performance in public service.”

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …