Saturday , December 21 2024
Rash Flores, Cara Gonzales, Brillante Mendoza

Rash Flores, thankful sa paggabay ni Direk Brillante Mendoza sa pelikulang Palitan

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

SECOND movie na ng newcomer na si Rash Flores ang Palitan na palabas na ngayon, Dec. 10, sa Vivamax. Unang napanood ang aktor sa Pornstar2 at ngayon ay isa na siya sa bida sa bago niyang pelikula.

Bukod kay Rash, tampok din sa Palitan sina Jela Cuenca, Cara Gonzales, at Luis Hontiveros, mula sa pamamahala ng internationally-acclaimed director na si Brillante Mendoza.

Ipinahayag ni Rash ang sobrang pasasalamat kay Direk Brillante sa kabaitan nito at paggabay sa kanila sa pelikulang Palitan.

“Ang masasabi ko kay Direk Brillante, sobrang bait niya, kasi ay hindi siya nagsawang gumabay sa amin. Lalong-lalo na siyempre, mga baguhan pa lang kaming artista,” panimulang wika ng aktor.

“Marami pa kasi kaming dapat na matutunan sa acting, eh. Siyempre, sabi ko nga, mga baguhan pa lang kami… iyong mga nuances…  So, hindi siya nagsawang magturo sa amin para matuto kami sa acting namin. Iyong mabibigat na eksena namin, itunuro niya sa amin kung paanong atake ang dapat naming gawin.

“Sobrang bait talaga ni Direk, wala akong masabi sa kanya… and yung respeto hindi nawawala sa kanya. Kasi, binigyan niya kami ng respeto, itinuring niya kami bilang mga artista talaga sa pelikula niyang Palitan.

“Napakabait ni Direk talaga, kaya saludo po talaga ako kay Direk Brillante,” masayang saad pa ni Rash.

Inusisa rin namin ang morenong hunk actor kung ano ang reaction niya after mapanood ang kanilang pelikula sa special screening nito sa Gateway Cinema-4 last Tuesday?

Sagot ni Rash, “Ang na-feel ko kanina ay sobrang saya ko nang napanood ko ang pelikula. Lalo na at first movie ko ito na lead na ako at Brillante Mendoza pa ang direktor namin. Sobrang saya ko, wala nang makakatumbas sa sayang naramdaman ko kanina nang napanood ko ang pelikula namin.

“Tapos, first time kong nakita ang mukha ko sa big screen, dati ko lang kasing pinapangarap iyon, eh. Then, ngayon ay natupad na sa tulong ng mga taong nakapaligid sa akin at siyempre, si God. Kaya sobrang saya ko talaga nang napanood ko iyong movie.”

Makikita sa bagong obra ni Direk Brillante ang ukol sa apat na taong pinagtagpo ng pag-ibig, pagkakaibigan, at tawag ng laman. Ang Palitan ay isang upcoming GL (Girls love), sexy-thriller na pelikula na mapapanood sa Vivamax. Kuwento ito ni Jen (Cara), isang openly bisexual na babae at ang kinakasamang si James (Luis), na may pinagdadaanang depresyon.

Magulo at komplikado ang kanilang relasyon ngunit nagagawan pa rin nila ng paraan na hindi bumitaw sa isa’t-isa. Para makalimot at makapahinga sa problema ng pandemic, magpupunta sila sa probinsiya ni Jen, pero ang sasalubong pala sa kanila ay isang tao mula sa nakaraan ni Jen na kailanman ay hindi niya nakalimutan, ang tunay niyang pag-ibig, si Marie (Jela), na ngayon ay ikakasal na sa kanilang kaibigan na si Al (Rash).

Magkikita-kita at magre-reunion ang apat, na mauuwi sa isang mainit at mapusok na gabi sa pagitan nina Jen, James, Marie, at Al. Hahayaan nila ang mga sarili na magpadala sa kinikimkim nilang pagnanasa sa isa’t-isa.

Higit sa mga mapupusok at sexy na mga eksena, may mga aral din patungkol sa buhay ang pelikulang Palitan, ang tanggapin kung sino ka talaga, humingi ng tulong upang kalabanin ang mga problema, lumaban sa mapanghusgang mundo, at maniwala at manalig sa mga sariling desisyon. Ilan lang ito sa maraming bagay na mapupulot sa panonood ng pelikulang ito.

Ang pelikula’y isinulat ng Palanca award-winning screenwriter na si Honeylyn Joy Alipio. Si Alipio ay nakilala bilang isang mahusay na screenwriter matapos umani ng parangal sa mga isinulat niyang pelikula, gaya ng Taklub, na pinarangalan ng Prize of the Ecumenical Jury award sa Cannes Film Festival noong 2015, at ang Mindanao, na nanalo naman ng dalawang awards sa 41st Cairo Film Festival.

Matagal nang plano ni Direk Mendoza at ng Viva Communications Incorporated charmain at CEO na si Vic Del Rosario na gumawa sila ng pelikula, at isa lang ang Palitan sa marami pa nilang nakaplanong i-produce.

Ipinahayag ni Direk Mendoza sa isang interview ang excitement nila ni Boss Vic para sa mga pagsasamahan nilang proyekto, “Whenever I see Boss Vic abroad, sa mga festival sasabihin niya, ‘Kailan tayo gagawa?’… sabi ko, ‘Malapit na Boss, malapit na.’”

Mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery at App Store. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para makapagbayad mula sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …