Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelo Carreon Mamay

Angelo Carreon Mamay, pinarangalan bilang Outstanding Youth Leader of the Year

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

PINARANGALAN kamakailan sa 3rd Laguna Excellence Award si Angelo Carreon Mamay, bilang Outstanding Youth Leader of the Year.

Inusisa namin ang aktor kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon?

Esplika ni Angelo, “Magsimula pa po noon before pandemic, lalo na ngayon na nagkapandemic, isa po sa pinagkaabalahan ko at binigyan ng pansin iyong charity program para makatulong sa mga tao.

“Nagsagawa po ako ng outreach program, distribution of face shields, face masks and alcohol, tapos nagsagawa rin po ako ng relief operations at iba pa. Kaya nabigyan po ako ng parangal last weekend lang po bilang Outstanding Youth Leader of the Year, given by 3rd Laguna Excellence Awards.

“Kasama kong um-attend yung Road Manager ko na si Jeffrey Salvador Andres, isang Senior Project Manager ng Home Credit Philippines, owner rin po ng Artista Salon and Shawarma Shack Pampanga branch.”

Dagdag pa niya, “Isa rin po sa pinagkaabalahan ko yung four Ambassadorships ko- Youth Ambassador po ng province ng Lanao del Norte, Peace Youth Ambassador ng NCMF, Youth Ambassador ng TESDA, at Global Youth Ambassador po ng PNP.

“Maliban po sa ambassadorships, focus rin po ako sa business ko now na Angelo CM Perfume, at Angelo Rejuvenating Soap.”

Kamusta na ang kanyang showbiz career? “When it comes naman sa showbiz career ko, unfortunately, tulad ng mga ibang artista, isa po ako sa naapektuhan dahil sa pandemic.

“Pero ngayon, unti-unting bumabalik yung sigla ng career ko. In fact, dumadami na rin po ang mga offer na projects sa akin such as, movie na Mamasapano, Mano Po ng Regal Entertainment, new ambassadorships, endorsements at iba pa.

“Kaya malaki po ang pasasalamat ko sa mga taong nagtitiwala sa kakayahan ko, lalong-lalo na sa mga naging bahagi ng buhay ko at walang sawang sumusuporta sa akin,” masayang wika pa ni Angelo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …