Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
SMC Isla Pulo San Miguel DENR

SMC tumutulong sa natitirang Metro old growth mangrove forest para protektahan

DADAGDAGAN ng San Miguel Corporation ang volunteers mula sa kanilang hanay para tulungan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at lokal na pamahalaan ng Navotas sa paglilinis ng Isla Pulo, isa sa tinaguriang “remaining old-growth mangrove forest” sa Metro Manila.

Simula noong Oktubre, ginagawa na ng kompanya ang lingguhang paglilinis sa lugar sa tulong ng employee volunteers, residente ng Barangay Tanza 1, mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Navotas, Philippine National Police- Navotas, at  51st Engineers Brigade of the Philippine Army, at DENR.

Umabot na sa 3,803 sako ng basura ang naialis sa nasabing mangrove area, nagsisilbing proteksiyon ng mga katabing bayan sa storm surges at coastline erosion.

Ang paglilinis ng nasabing 3.5 kilometro shoreline at mangrove area ng 26 ektaryang isla ay karagdagang proyekto ng kompanya na kasalukuyang abala rin sa paglilinis ng Tullahan-Tinajeros river system para maibsan ang pagbaha.

“Solid waste pollution of our waterways, shorelines, and major bodies of waters such as our rivers and seas, is a critical problem that we cannot emphasize enough. They threaten not only marine life, our environment, the livelihood of our fishermen, but also, every Filipino living in Metro Manila and even nearby provinces, whose lives are regularly disrupted by flooding during the rainy season,” wika ni SMC President Ramon S. Ang.

“Following reports from our partner government agencies that a huge amount of garbage from the Manila Bay and nearby tributaries have ended up at the Tanza Marine Tree Park, we immediately expanded our flood mitigation efforts, from dredging and extracting wastes from the 27-km Tullahan River, to also partnering with stakeholders to conduct regular clean-ups,” dagdag niya.

Sagot ng SMC ang supplies, protective gear at pagkain ng volunteers at pati ang koordinasyon para sa volunteers mula sa komunidad at iba pang sangay ng pamahalaan.

Sa paglilinis ng Tullahan-Tinajeros River System rehabilitation project na pinondohan ng kompanya ng P1 bilyon ay umaabot na sa 593,911 metric tons ang basura at putik na naialis mula sa ilog. Ang Tullahan na dumadaloy hanggang sa Manila Bay ay isa sa mga ilog na pinanggagalingan ng plastic sa na nakararating sa mga karagatan. Kasama ang Pasig River sa listahan na ito.

Nakatulong ang Tullahan-Tinajeros river rehabilitation project sa pagbabawas ng malubhang baha sa Navotas, Malabon, at Valenzuela. Nakatuon ang dredging teams ng kompanya sa bahagi ng ilog na malapit sa Catmon at Maysilo sa Malabon City.

Binabalikat rin ng San Miguel ang rehabilitasyon ng Pasig River na pinondohan ng P2 bilyon. Kamakailan ay nakatanggap ang San Miguel ng $1.5 milyon bilang donasyon mula sa Japanese shipping giant NYK Line para ibili ng karagdagang dredging equipment.

        Umabot sa 129,600 metric tons ng basura at putik ang natanggal mula sa Pasig River at ang paglilinis ay umabot sa bahagi ng ilog na kalapit ng San Juan River.

“While flood mitigation is the initial objective of the dredging and cleanup efforts, the long-term goal is to rehabilitate our major rivers to the point where they support healthy marine life, and be safe enough for recreational activities like swimming, and perhaps, even become be a source of potable water. We hope to achieve this with the help of all stakeholders and with the implementation of more effective solid waste management practices and effective waste water treatment throughout Metro Manila,” wika ni Ang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …