Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ping Lacson Caleb Jiro Iwa Moto

Sen Ping Lacson pinaglihian ni Iwa?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

PINAGLIHIAN kaya ni Iwa Moto, asawa ni Pampi Lacson ang biyenan niyang si Sen. Ping Lacson? Malaki kasi ang pagkakahawig ng bunso nina Iwa at Pampi sa lolo nito.

At kahit baby pa lang, bakas na ang pagkakahawig ng bunso nina Iwa at Pampi sa lolo nitong si Sen. Lacson. Sa picture na ipinost ni Iwa sa Instagram ng kanyang bunso at biyenan na si Sen. Ping makikita ang pagkakahawig ng mag-lolo.

Paliwanag ni Iwa sa caption ng picture, madalas kasi siyang manood ng mga interview ng matapang na senador noong ipinagbubuntis niya ang bunso nila ni Pampi. Kaya ‘wag nang mataka kung makahawig nga ito ng lolo.

“When I was pregnant I often catch myself looking at daddy @iampinglacson ‘s videos and interviews. Then this is the outcome! Hahaha,” caption ni Iwa.

Sinabi pa nitong,”Sana anak sumunod ka sa yapak ni papa ping may prinsipyo at mabuting tao. #pinglacson #weneedaleader2022.”

Marami naman sa followers ni Iwa ang agree na parang pinagbiyak na bunga ang maglolo.

Kilala ang presidential candidate na si Lacson sa pagiging family man. Kahit nga minsan ay hindi siya naintriga sa ibang babae. Kasama sa pagiging family man ng senador ang pagiging mahilig sa mga bata kaya giliw na giliw siya sa kanyang mga apo.

Madalas nakikita sa social media ng senador ang pakikipag-bonding nito sa kanyang mga apo. Kamakailan, nakitang ini-enjoy ng presidential aspirant ang pamimingwit kasama ang dalawang apong babae.

Dati nang sinasabi ni Senador Ping na ang lahat ng kanyang ginagawang pagmamalasakit sa bayan, tulad ng paglaban sa kriminalidad at katiwalian, ay para sa susunod na henerasyon o  mga bata.

Siguro kapag siya ang nahalal na pangulo sa May 2022, hindi lang siya magiging lider at ama, kundi magiging lolo rin ng bayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …