Sunday , December 22 2024
Beyond Zero

Beyond Zero pinatunayang ‘di lang sila pang-Tiktok

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

MATAGUMPAY at star-studded ang kauna-unahang digital concert ng Beyond Zero, ang Beyond Zero: The Reboot na ginanap sa biggest indoor beach club ng bansa, ang Cove Manila ng luxurious Okada Manila noong December 3, 7:00 p.m. na napanood din sa Ktx.ph.

Ang Beyond Zero ang pinakabagong all-male P-Pop group sa Pilipinas na binubuo ng mga TikTok superstar na sina Andrei, Duke, Jester, Jieven, Khel, Matty and Wayne. Milyon ang followers sa Tiktok ng Beyond Zero members at umabot na rin sa halos 1.4 billion ang kanilang combined TikTok views.

Ang Beyond Zero ay mina-manage ng House of Mentorque at ang production house naman nilang Mentorque Productions ang nag-produce ng show.

Ayon sa management team ng P-Pop group, inihanda nilang mabuti ang Beyond Zero bago isinalang sa kanilang  debut concert. Dumaan din ang Beyond Zero sa matinding training sa dancing, singing, at pati sa personality development para matiyak na handa sila sa concert scene.

Kahit nagsimula lang sa paggawa ng mga Tiktok video mula sa kani-kanilang tahanan, naharap ng grupo ang pressure sa pagpe-perform sa grand stage for the first time.  Ipinakita ng grupo na kaya at karapat-dapat silang mabigyan ng single, ang Reach the Top na isinulat ng award-winning singer-songwriter, Quest.

Kakaiba at napakahusay din talagang magsayaw ng grupo na sinaliwan ng magagandang beat mula sa kilalang DJ ng bansa, sina Ace Ramos at Mars Miranda.

At bilang pagpupugay sa TikTok na kanilang pinagmulan, nakasama ng Beyond Zero sa isang production number ang fellow TikTokers na sina Argie Roquero, Ericka Pineda, Andrea Pauline, Ralph Alfaro, Austin Ong, Franz Miaco, at JM Yrreverre. Sinayaw nil ang mga viral TikTok dance challenges.

Nag-perform din sa concert as special guests at para sumuporta sa Beyond Zero  ang Sexbomb Dancers, The Manoeuvres, Quest, JRoa, Glendale Aquias, at si  Jessy Mendiola-Manzano.

Ang debut concert ng Beyond Zero ay simula pa lang ng mga susunod pang magagandang mangyayari sa kanilang career sa entertainment world. Hindi man madali ang kanilang susuunging career, ang mahalaga handa sila at kaya nilang harapin anuman ang sumalubong sa kanila.

Ang Beyond Zero: The Reboot Digital Concert ay idinirehe ni GB Sampedro.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …