Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jinggoy Estrada Julienne Jill Ejercito

Bunso ni Jinggoy na si Jill dream maging singer; campaign jinggle kinanta

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PAGKANTA at hindi pag-arte ang nakakahiligan ng 15-Year old daughter at bunso ni Senator Jinggoy Estrada, si Julienne ‘Jill’ Ejercito na ipinarinig ang magandang boses sa campaign jinggle ng kanyang daddy.

Nasa Grade 10 Junior High School na si Jill at talagang hilig ang musika dahil anim na taong gulang pa lamang siya’y nakitaan na ng pagkahilig sa musika. Hilig din niya ang dancing, photography at travelling.

“I want to achieve my singing career and make music, because that is my passion!” ani Jill na super ine-enjoy ang pagkanta-kanta.

Ani Jill suportado siya ng kanyang pamilya lalo na ang kapatid na si Julian na katu-katulong niya sa tuwing magre-record ng mga kanta niya.

Natanong si Jill na kung may plano rin siyang umarte dahil doon nakilala ang kanyang ama at lolo. ”Not sure po,” anito.

Paborito ni Jill sina Moira dela Torre at Zack Tabudio na wish niyang maka-collaborate in the future.

Idolo naman niya sina Jodi Sta. Maria at Bea Alonzo sa mga artista. 

Happy at excited si Jill na siya ang kumanta ng campaign song ng kanyang daddy Jinggoy na tumatakbo uli sa pagka-senador sa 2022 election. ”I felt happy and got so excited when my mom told me that I was going to sing for my dad’s campaign song. I asked help from my brother, kuya Julian to assist me on my recording since he does recording.”

Close si Jill kay Sen. Jinggoy at sinabi nitong makulit at mapagmahal ang kanilang ama.

Hindi naman masagot agad ni Jill kung papasukin din niya ang politika tulad ng daddy Jinggoy at Lolo Erap niya dahil,

“Too early to say because I’m only 15 pa lang po.”  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …