SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
KASABAY ding inilunsad ni Maja Salvador noong Huwebes si Andrea Brillantes bilang kapamilya ng Beautederm.
Isa si Andrea sa pinaka-accomplished home grown young actresses ng ABS-CBN at impressive ang kanyang body of work na kinabibilangan ng mga top-rating teleseryes gaya ng Annaliza, Pangako Sa ‘Yo, Kadenang Ginto, at ang katatapos lamang na inspirational, primetime drama na Huwag Kang Mangamba at kasama rin ang mga notable appearances sa mga pelikulang Crazy Beautiful You, Everyday I Love You, Banal, The Ghosting, The Mall, The Merrier, at ang nalalapit na action thriller na On The Job: The Missing 8.
“Tagahangga po ako ng Beautéderm na isang kompanya na maraming natutulungang tao,” ani Andrea. ”Karamihan po sa mga kaibigan ko ay brand ambassadors ng Beautéderm and it is such a dream come true for me now that I am officially part of the family. A well-balanced and healthy lifestyle are very important to maintain nowadays at honored ako na napili ako ni Ms. Rei para i-represent ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters.”
“My team and I have been working on Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters for over a year now at ang aking plano ay mai-launch ito in time for the 12th anniversary of the company at ng birthday ko na rin,” sabi ni Rhea. ”Maraming naituro ang pandemic sa atin – that we should be grateful for all the many blessings God continues to shower to all of us, na mahalaga ang pamilya, at dapat nating alagaan ang ating kalusugan. We need to boost our immune system and take care of not just of our bodies but also our minds as well. Ang REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters ang aking maliit na contribution para siguraduhin ko na nasa tamang kalusugan ang lahat. I welcome Andrea to the family as she is an amazing addition to the gang. Sang-ayon ako sa kanya na kailangan nating i-maintain ang isang balanced at healthy na lifestyle. Ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ay para sa lahat at sa wakas, matapos ang aming hard work, nandito na ito!”