Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali

Bianca ‘di agad makapagplano ng Pasko dahil sa rami ng trabaho

RATED R
ni Rommel Gonzales

FRESH at handa na muling sumabak para sa upcoming projects si Bianca Umali matapos ang solo vacation ng isang linggo sa Siargao.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa 24 Oras kamakailan, sinabi ni Bianca na sadyang gusto niya ang dagat at magbabad sa araw.

“Every time naman na nagbi-beach ako, nagdadagat ako, talagang masaya ako. And I think it’s also one of the reasons why sumakto rin sa akin si Sahaya noon, kasi hilig ko talaga ‘yung dagat at hilig ko talagang nakabilad ako sa araw,” pahayag ng Kapuso actress.

Sa kanyang solong bakasyon, sinabi ni Bianca na nagkaroon siya ng oras magpahinga at mag-isip.

“I spent so much time reflecting and resting. I also made a lot of new friends. And I enjoyed my time away from the city,” anang aktres.

“I really had to move away from what my normal life is just to think and para makahinga lang. Para mas makita ‘yung bigger picture,” dagdag niya.

Matapos makapagpahinga, dumalo si Bianca sa briefing para sa bago niyang project.

Magsisimula na ring magplano ang aktres para sa Pasko, na halos nalimutan na niya dahil sa dami ng trabaho.

“Wala pa pong clear plan because of what our situation here in Manila is. But hopefully, it’s still traditional syempre, kasama ang lola at ang pamilya. Pero wala pa pong malinaw na plano,”  sabi pa ni Bianca.

Isa sa mga proyektong aabangan next year kay Bianca ay ang international series na Halfworlds ng HBO Asia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …