Sunday , December 22 2024
PROMDI ni Fernan AngelesI
PROMDI ni Fernan Angeles

Paglipas ng 33 taon ‘di pa tapos magrebisa?

PROMDI
ni Fernan Angeles

MAKARAAN ang mahigit 33 taon, ‘nirerebisa’ pa rin ng Office of the Ombudsman ang kasong plunder laban sa mga dating opisyal ng Public Estates Authority (PEA) kaugnay ng maanomalyang pagbebenta sa isang 41.6-ektaryang reclaimed area ng Manila Bay sa isang property developer sa halagang P104 kada metro kuwadrado.

Agosto 1988 nang isampa ang detalyadong sabwatang naganap sa pagitan ng pamunuan ng PEA (Philippine Reclamation Authority na ngayon) na direktang nangangasiwa sa mga reclamation projects sa buong bansa at ng Manila Bay Development Corporation na umano’y ‘nakapaghain ng best offer’ sa nasabing ahensiya.

Ang siste, hindi man lamang sumapat ang kabayaran ng MBDC para punan ang salaping ginastos ng pamahalaan sa pagtatabon, pagpapatibay ng pundasyon at pagpapatag ng silangang baybayin ng Manila Bay.

Ang prime property na may sukat na 41.6 ektarya ay ibinenta ng PEA sa halagang P104 kada metro kuwadrado para sa kabuang P427 milyon – lubhang malayo sa P41 bilyon estimated value batay sa umiiral na bentahan sa merkado sa nasabing lugar noong mga panahong iyon.

Batay sa Commission on Audit (COA), nasa P9.8 bilyon ang ginastos ng pamahalaan sa nasabing reclamation project.

Ang malinaw, nasa Ombudsman na ang sako-sakong ebidensiya at testimonya ng saksi. Pero tila wala lang ito sa Ombudsman na patuloy na tinutulugan ang asuntong isinampa laban sa mga opisyal ng PEA, may 33 taon na ang nakaraan.

Sukdulang abutan ng pagkamatay ng mga inireklamo at mga naghain ng reklamo – maging ang mga testigo sa kabagalan ng Ombudsman, na waring pahiwatig na wala silang planong isampa sa Sandiganbayan ang kasong plunder sa ngayo’y mga multi-bilyonaryong akusado.

Kung tutuusin napakalaking pera para sa naghihirap na Filipino kung mababawi o makakansela – kung hindi man madaragdagan ang baryang ibinayad ng MBDC para sa isang klasipikadong prime property sa tabi mismo ng Manila Bay. Sa pinakahuling datos na aking nakalap, suwerte ngayon ang isang negosyante kung makabibili siya ng lupa sa halagang P300,000 per square meter nasabing lugar.

Sa ilalim ng batas (Article XII, Sec. 3 ng Konstitusyon), malinaw na ipinagbabawal na ibenta sa mga pribadong kompanya ang alienable lands at public domain. Gayonpaman, puwede lamang itong paupahan.

Bakit nga ba ayaw pang desisyonan ng Ombudsman ang isinampang asunto? Oops mali yata ang tanong ko… dapat yata ay – magkano?

About Fernan Angeles

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …