Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kylie Verzosa, nahiya nang dukutin ang kargada ni Adrian Alandy

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KARGADO sa mga pampainit at pampaganang eksena ang pelikulang My Husband, My Lover. Tampok dito sina Kylie Verzosa, Adrian Alandy, Cindy Miranda, at Marco Gumabao.

Isang eksena na nakita namin sa teaser nito na sa ngayon ay mayroon nang higit 12 million views, ay ang lampungan nina Kylie at Adrian (na kilala noon bilang Luis Alandy), na dinukot ng aktres ang kargada ng aktor sa loob ng short nito.

Sa ginanap na virtual mediacon ng naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk McArthur C. Alejandre at isinulat ng award-winning writer na si Ricky Lee, inusisa namin ang aktres kung ano ang naging preparasyon nila ni Adrian sa maselang eksenang ito.

“Actually, very nahiya ako kay Luis (Adrian), nahiya talaga ako… So, sabi ko, dadayain naman… Daya siya eh, daya siya, so, hindi naman… wala namang na-touch, it doesn’t really go to that area,” natatawang saad ni Kylie.

“So daya lang siya, siyempre may camera magic din siya na nagawa.”

Dagdag na esplika pa ni Kylie, “Pero very professional siya at very comfortable katrabaho. Sabi niya, ‘Hindi sige okay lang, ilapit mo pa’.

“’Ay ayaw ko, natatakot ako, ganyan! Hahaha!’ Patiling wika pa ni Kyle bilang reaksiyon sa sinabi sa kanya ni Adrian.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Ayaw ko umuwi na na-violate ako or ako ang nag-violate. So, naging okay naman ang eksena na iyon.”

Biniro naman namin si Kylie na hindi na pala niya kailangang maghugas ng holy water?

Nakatawang pakli niya, “Wala naman po akong nahawakan, hahaha! So wala, safe, okay lang… nag-hi-five na lang kami after ng eksena, hahaha!”

Anyway, sa pelikula ay makikita kung posible bang maging kaapid mo ang iyong asawa?

Masaya ang buhay mag-asawa nina Alice (Kylie) at Noel (Marco). Si Alice ay matagumpay sa kanyang career at masunurin siyang misis sa kanyang matalino at mabait na mister na si Noel. Ngunit si Alice ay isa ring wild partner pagdating sa kama sa kanyang kalaguyo na si Dennis (Adrian).

Walang problema sa kanyang buhay may-asawa at ang alam lang ni Alice ay gusto niyang manatili ang asawa niya at ang kalaguyo niya sa kanyang buhay. Maayos ang lahat hanggang sa malaman ni Alice na siya ay buntis. At dahil hindi niya alam kung sino ang ama ng dinadala, napilitan siyang umamin kay Noel tungkol sa relasyon kay Dennis. Nagdesisyon si Noel na makipaghiwalay kay Alice, at nangako naman si Dennis na aalagaan si Alice at ang kanyang anak.

Nakahanap ng bagong karelasyon si Noel kay Loida (Cindy), isang abogada. Si Dennis naman ay naging mabuting mister kay Alice at tatay sa kanyang anak, kahit alam niyang hindi ito sa kanya nang lumabas ang DNA result. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang bata at maagang pumanaw, dahilan para aminin ni Alice kay Noel ang katotohanan.

Ang muling pagkikita ng mag-asawa ay nauwi sa mainit na pagtatalik na nauwi sa “bawal” na relasyon. Nabaliktad ang sitwasyon at si Noel na ang naging kalaguyo ni Alice. Mas magiging komplikado ang sitwasyon sa pagdating ng kani-kanilang partner upang angkinin ang sa alam nilang sa kanila.

Sa November 26 na ang simula ng online streaming ng My Husband, My Lover sa Vivamax Philippines. Mapapanood din ito sa Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, at Europe.

Available na rin ang Vivamax sa USA and Canada. Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app at puwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account.

Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo. Puwede ring mag-add to cart ng VIVAMAX subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …