Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ynez Veneracion Jianna Kyler

Ynez Veneracion, thankful sa Beautederm at sponsors ng kanyang baby

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

NAGPAPASALAMAT si Ynez Veneracion dahil bukod sa may mga guesting siya lately sa TV, pati ang kanyang three year old na baby na si Jianna Kyler (sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Bryan Julius Recto) ay may mga sponsor na rin.

Aniya, “Thankful nga ako, kasi hindi lang Beautederm ang nagsu-support din sa akin. Pati ibang sponsor ko rin para sa baby ko… like itong Bundle of Joy Studios at Hello Pants Diaper and puwede rin natin idagdag ang Beautederm, hahaha!”

Sambit pa ni Ynez, “Super bait at generous ni sis Rei (Rhea Tan) and talagang ang galing ng products ng Beautederm.

“Ang dami niya talagang natutulungan. Hindi siya madamot. Kung anong blessings ang ibinibigay ni Lord sa kanya, isine-share niya ‘yun sa marami. She is truly beautiful inside and out, na dapat tularan ng iba pang mga CEO.”

Si Ynez ay isa sa Beautederm babies ng CEO at President nitong si Ms. Rhea Anicoche Tan.

Ano ang reaction niya na kahit three months pa lang ang kanyang baby ay may sponsors na ito?

Wika niya, “Nakaka-happy talaga. Actually, nasa loob pa lang siya ng tiyan ko, na-sponsor-an na siya ng Bundle of Joy Studios, two sets ng pictorial niya ay free. Nakakatuwa, kasi ang gaganda ng shots ng Bundle of Joy, plus ang babait at ang gagaling pa nila.

“Tapos ngayon naman na nakalabas na si baby, pati diaper na-sponsor-an na rin siya. Eto nga yung Hello Diaper Pants na ang ganda rin at super absorbent pa.”

Dagdag pa ni Ynez, “Ang Beautederm mayroong product na pang-baby, like iyong Beaute balm. Para siya sa mga insect bites, burns, boils at diaper rash ni baby and very effective siya talaga.”Anyway, ‘tapos mag-guest ni Ynez sa Eat Bulaga ay nag-taping naman ang aktres para sa Wish Ko Lang ng GMA-7. Hindi pa raw siya puwede sa mga teleserye dahil sa ngayon ay hindi pa niya kayang iwanan ang baby niya.

“Kasi hindi ba, minsan lang kasi sila maging baby, kaya binibigyan ko talaga ng atensiyon at oras ang mga anak ko,” pakli pa ni Ynez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …