Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ping Lacson

Ping Lacson, G na G sa kulitan sa iPingTV

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAGANDA pala kapag relax lang ang interview kay presidential aspirant Senador Ping Lacson dahil panay ang tawa niya, at mas makikilala pa siya lalo bilang isang asawa, ama, at boss.

Sa video ng iPingTV( https://www.facebook.com/PingLacsonOfficial/videos/241069888013163), may panayam din sa kanyang mga anak na si Jay at Pampi (mister ni Iwa Moto). Gayundin ang butihing maybahay ng senador na si Maam Alice, at sa dalawang longtime at trusted aide niya.

Natatawang ikinuwento nina Jay at Pampi ang pagiging istrikto ng ama dahil may curfew sila ng uwi pagsapit ng 12 midnight, at kung minsan ay 10 pm pa.

Sa tingin idinadaan ng senador ang pagdisiplina sa mga anak: in short, makuha ka sa tingin ang style nito.At kapag may ginawang mali ang mga anak, hindi niya ito kukunsintihin.

Maging sa kanyang pagtakbong pangulo ngayon, sinabi ni Sen. Ping sa kanyang mga anak na walang makikialam sa kanila sa gobyerno.

Si Maam Alice, natatawa namang ikinuwento na nagtataka ang kanyang mga kapatid kung paano siya niligawan ng senador gayung tahimik ito lagi.

Pagdating naman sa kanyang seguridad, sinabi ni Sen. Ping na low profile lang ang gusto niya at ayaw niya ng magarbo na parang super VIP ang dating.

Kahit sa kalye, hindi gumagamit ng sirena o  wang-wang sa Sen. Ping kahit noong naging hepe siya ng PNP. 

Ang katwiran niya: “Ang feeling ko lagi, kung ikaw ‘yung nasa position niyong winang-wangan mo’t pinatabi at nagmamadali rin, ‘di ba magagalit ka.”

Aba’y mukhang titino talaga ang bayan at magkakaroon muli ng disiplina pati sa kalye kung katulad ni Sen. Ping ang magiging lider ng bansa

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …