TOTOHANAN ang naging pag-iyak ni Herlene “Hipon Girl” Budol sa ilang eksena niya sa brand new episode ng Magpakailanman na ilalarawan ang kanyang tunay na buhay.
“Opo, kasi buhay ko po ‘yun, eh!
“Kaya parang siguro po ano, talagang grabe iyak ko kasi nag-flashback siguro sa utak ko, true-to-life po kasi kaya hagulgol na malupit.
“Kahit dito po sa ‘Never Say Goodbye’ hindi ko rin po naiwasan na hindi po matigil ‘yung iyak ko. Sabi nga nila Mama Mosang ano nga raw po, hindi ko pa raw po kayang kontrolin ‘yung emotional, emotion.
“Na nadadala ko pa rin po ‘yung mga hugot ko sa buhay kaya grabe po ‘yung iyak ko. Na ‘pag humuhugot po ako,” kuwento ni Herlene.
Pinamagatang A Girl Named Hipon: The Herlene Budol Story, ipalalabas ang naturang Magpakailanman episode ngyong Sabado, October 23 na tampok din sina Gardo Versoza bilang Papa Ibhe, Maureen Larrazabal bilang Mama Len, Gino Ilustre bilang Tatay Oreng, at Maxine Medina bilang Gellie.
Mapapanood sa GMA, 8:15 p.m., ito ay sa direksyon ni Rechie Del Carmen sa panulat ni Vienuel Ello at pananaliksik ni Angel Launo.
Ang host ng Magpakailanman ay si Ms. Mel Tiangco.
Nasa cast din si Herlene ng Stories from the Heart: Never Say Goodbye nina Klea Pineda, Lauren Young, Mosang, at Jak Roberto.