Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Myrna Estrata, 46 years old, isang mananahing kontraktor, taga-Taguig City.
Ise-share ko lang po kung gaano kabisa at talagang miracle oil ang Krystall Herbal Oil.
Minsan po kasi’y nagpa-manicure at nagpa-pedicure ako, e may naiwan pong ingrown sa aking hinlalaki. Ay naku namaga po at napakasakit.
E isng linggo pa bago ko ulit makita ang manikyurista, ang ginawa ko po ay binuhusan ko ng Krystall Herbal Oil.
Aba , paglipas ng tatlong oras, napansin kong umimpis ang pamamaga at tila nabawasan ang sakit kaya nakapagtiis pa ako hanggang magkita ulit kami ng manikyurista. Ipinatanggal ko sa kanya ang naiwan na ingrown saka pinabuhusan ko ulit ng Krystall Herbal Oil. Ngayon po ay nawala na ang sakit sa aking paa.
Maraming salamat Sister Fely sa napakahusay ninyong imbensiyon.
MYRNA ESTRATA
Taguig City
Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong