I-FLEX
ni Jun Nardo
KINALASAN na raw ng isang politiko ang kanyang “kept woman” na isang internet sensation.
Napansin ng mga kaibigan ng politician ang pagbabago ng pananaw nito sa buhay sa social media posts niya tungkol sa religion, huh!
Eh mas tututukan daw ngayon ng politician ang political career ng anak na papalit sa puwesto niya sa isang probinsiya sa South.
Tutal naman daw, puwede nang mabuhay nang komportable ang “kept woman” sa kinikita sa vlogs kahit nadiskaril ang pagpasok nito sa showbiz dahil sa pandemya.