“EXHIBITIONIST naman talaga iyan, kaya nga kami hindi nagkasundo,” sabi ng isang male star tungkol sa isang gay ding male star na kanyang nakarelasyon.
Sa totoo lang, huwag nang magkaila, pareho silang gay. At maayos naman sana ang kanilang relasyong dalawa.
Nagkakasundo naman sila eh. Kaso iyong mas poging gay na sinasabi niyang exhibitionist, mas naging gay na nga dahil sa kanilang relasyon. Siya kasi ang “prinsesa,” at ayaw naman ng mas lalaking gay na ang kanyang karelasyon ay baklang-bakla. Alam niyang gay din at tanggap niya iyon, pero ang ayaw niya, talagang pinangatawanan na ang pagiging isang “prinsesa.”
Naghiwalay na nga sila dahil doon.
(Ed De Leon)