Friday , November 15 2024
PROMDI ni Fernan AngelesI
PROMDI ni Fernan Angeles

Payasong karnabal, palamuning opisyal

PROMDI
ni Fernan Angeles

HINDI sapat ang salitang bongga kung ilalarawan ang nalalapit na halalan. Dangan naman kasi, sa paghahain pa lang ng kandidatura, daig pa ang karnabal sa puna at tuligsa.

Mula sa sekyung day-off hanggang sa kalbong inutusan lang ng hukluban – lahat sila pasok sa pinakamalaking entablado ng mga politiko.

Sa pagsusumite ng certificate of candidacy (COC) ni Senador Ronald dela Rosa sa posisyon ng pagka-Pangulo, hindi naman ikinagulat ng publiko. Bagkus ay naaliw sa susunod pang kabanata nito – ang pagsulpot ng heredera ng matandang nasa puwesto bilang substitution sa huling sandali ng itinakdang araw na deadline ng Commission on Elections (Comelec).

Bagamat panay ang tanggi ng matandang Duterte, malinaw ang kanyang diskarte. Ang patakbuhin si Bato para masigurong may basehan sa pagpasok ng kanyang prinsesa.

Ang siste, nakapaghain na ng kandidatura para sa isa pang termino ang kanyang prinsesa. Lalong luminaw ang susunod na kabanata. Sa pag-atras ni Sara, hahalili naman ang ama nang sa gayon kontrolado ng pamilya hindi lang ang imperyo sa Davao kundi ang buong bansang kanyang pinamumunuan mahigit limang taon na ang nakaraan.

Sa madaling salita, palitan lang ng trono.

Mahusay! ‘Yan mismo ng sambit ng mga mirong nakaantabay sa galaw ng marumi pero nakaaaliw na politika.

***

Sa isang tanggapan ng kontrobersiyal na Department of Health (DOH), may isang siga. Atapang atao, ‘ika nga.

Panakot ng isang public information office chief ng isang regional office malapit sa kabisera, libelo sa mga peryodistang hindi aayon sa kanyang mga dikta.

Ang kuwento nito, tungkol sa kanilang gimik sa gitna ng pandemya. Premyong milyon sa mga nagpapabakuna. Ipinamahagi ang istorya sa mga peryodista. Nang patulan ang kanyang kanyang istorya, biglang pumalag at sinabing hindi sila ang magpapamigay ng pera.

Susmaryosep! Mabuti na lang, may makabagong teknolohiya. Galing mismo sa kanilang tanggapan ang tinatawag na press release ng kanyang opisina.

Sa isang tawag sa telepono, aniya mali ang inilabas na istorya. Nang aking sipatin ang kanilang kopya at lumabas na balita – malinis ang kopya, kaya bantang libelo aking ipinagwalang bahala at pinanindigang walang babaguhin sa istorya sila mismo ang may gawa.

Sukat ba namang sabihin niyang – “Baka hindi mo panin­digan ‘yan pag tayo ay nagkita!”

Hoy ugok! ‘Wag ako ang takutin mo. Taong 2012 pa nang umabot sa sukdu­lan ang nerbiyos ko.

About Fernan Angeles

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …