Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Cebu frat leader todas sa ambush

BINAWIAN ng buhay ang lider ng isang fraternity nang tambangan ng mga hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa Brgy. Calamba, lungsod ng Cebu, nitong Biyernes ng hapon, 8 Oktubre.

Kinilala ang biktimang si Richard Buscaino, pangulo ng Alpha Kappa Rho (AKRHO) fraternity sa Central Visayas, na agad namatay sanhi ng apat na tama ng bala ng abril sa kanyang katawan.

Ayon kay P/SSgt. Vincent Gonzalve ng Sawang Calero Police Station, nagmamaneho si Buscaino patungong Brgy. Labangon nang pagba­barilin ng mga suspek na may suot na full-face helmet saka mabilis na tumakas.

Ayon sa pulisya, naka­tanggap ang lider ng AKHRO ng mga pag­babanta sa kanyang buhay bago ang pananambang.

Noong 2018, nakaligtas si Buscaino mula sa tang­kang pagpatay sa kanya.

Samantala, narekober ng pulisya ang anim na basyo ng bala ng hindi pa natutukoy na kalibre ng baril sa pinangyarihan ng krimen.

Ipinag-utos ni PNP chief P/Gen. Guillermo Eleazar nitong Linggo, 10 Oktubre, sa police regional police na magsagawa ng malalimang imbestigasyon upang malutas ang pama­maslang kay Buscaino.

Gayondin, nanana­wagan ang pinuno ng pambansang pulisya sa mga mga nakasaksi sa insidente o kaya ay may hawak na impormasyon sa pangyayari na makipag­tulungan sa mga awtoridad para sa agarang ikalulutas ng kaso at ikadarakip ng mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …