Monday , December 23 2024
Doc Willie Ong

I Will ni Doc Willie ‘di raw pamomolitika

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

ISANG doktor naman si Willie Ong. Pati na ang maybahay niyang si Lisa.

Sa kanilang vlogs nga, marami ng natutulungan ang mag-asawa sa mga panggagamot nila sa sari-saring sakit na inihahain sa kanila na naghahanap ng lunas.

Si Doc Willie, ang kasama ni Yorme Isko Moreno nanag-file ng CoC (certificate of candidacy) sa Sofitel Hotel kamakailan. Tatakbong Pangulo ng bansa si Yorme. Bise-Presidente naman si Doc Willie.

Nang makausap namin via Zoom si Doc Willie, walang kinalaman ang politika dahil ang tsikahan ay para sa musical na I Will na tungkol sa buhay niya ang sentro ng tsikahan. Pero, hindi maiiwasan.

Two years ago, ginawa na ring pelikula ang buhay niya na idinirehe ni Ronnie Ricketts.

Ayon sa butihing doktor, halos dalawang taon na in the making ang musical na pinagbibidahan ni Gerald Santos, kasama sina Paulina Yeung, Ima Castro, Bo Cerudo, at Robert Seña.

Hindi na nga raw natuloy si Jet Pangan dahil sa pabago-bagong protocols hinggil sa mga ipinatutupad na CQs sa bansa.

Noong una, walang kaplano-plano si Doc Willie na pasukin ang politika. Pero ang totoo niyan, napakarami ng nag-offer sa kanya na tumakbo bilang Senador.

Kahit nga raw si Yorme, ‘yun ang unang hiniling sa kanya. Pero tigas nga siya ng pagtanggi. At gusto lang naman niya ng tahimik na buhay na nakatutulong pa rin sa mga tao, lalo na sa mga may sakit.

Dalawang araw matapos na tanggihan niya si Yorme, iba na ang tono. Siya na ang gagawin nitong ka-tandem.

Dahil naipaliwanag ng maayos ni Yorme sa kanya kung ano ang kabuluhan ng pagtakbo niyang ito na siya na rin namang sinimulan ni Isko na may kinalaman sa pagpapalaganap ng pagsasa-ayos sa kalusugan ng mga taga-Maynila.

Iisipin na baka naman propaganda na ang pagsasadula ng musikal na I Will na ii-stream na sa ktx.ph simula sa Oktubre 26, 2021.

Hindi raw. Dahil three days ago pa lang sila nagkita at marubdob na nagkausap ni Yorme. Halos dalawang taong plinano ang musical na ginawan ng libretto at idinirehe ni Rommel “Cocoy” Ramilo. At sinimulan ang bubble set-up nito noong isang taon pa.

Dalawampu’t apat na kanta ang nagawa ni direk Cocoy sa musical na pinapangarap ni Doc Willie na makarating o marinig sa international scene ng mga tao.

Pinakamagugustuhan tiyak ng mga manonood nito ang mga piyesang  Finally, Our Father’s Love, at I Will.

Nabalutan pala ng dilim ang buhay ni Doc Willie dahil dinaanan nito ang panahong wala siyang Diyos at 13 taong may hidwaan sa mga magulang.

“Naniniwala akong tayo eh, dinadala ng Panginoon sa kung saan tayo dapat na pumunta. Ang musical na ito ay hindi pangkampanya. Gusto kong magbigay inspirasyon ito sa mga makakapanood. Ang mga aspeto ng naging buhay ko ang masasabi kong highlights niya. Matagal akong hindi naniwala sa Diyos. Kaya ang gusto ko ay makatulong.”

Nasa kanya ring mga kamay na patuloy na maigiya ang mga tao, lalo na ang mga maysakit sa mga lunas na makatutulong sa kanila.

Manalo o matalo raw siya sa pupuntahan niya sa politika, walang magbabago sa pagiging isang doktor niya. At sinuman ang maluklok ay susuportahan niya. Dahil hindi siya naniniwala sa away-away sa gobyerno na dapat ay nagkakaisa ang lahat.

About hataw tabloid

Check Also

Offload

Offload direktor na si Rommel Ricafort, saludo sa husay ni Allen Dizon

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY ang ginanap na special screening ng pelikulang Offload sa Gateway Cineplex, Cubao …

Chavit Singson 58 Days ng Milyong-Milyong Pa-Premyo

1-M views sa ikalimang  araw ng Chavit online game show

PUMALO na sa mahigit 1 milyon ang mga tagasubaybay ng ika-5 episode ng 58 Days ng …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

MMFF 2024 MTRCB

Netizens winner sa 10 MMFF movies

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kakaibang sigla na ipinakita ng mga artistang may lahok sa 50th …