Tuesday , November 5 2024
Willie Ong, Gerald Santos, Paulina Yeung, Liza Ong

Doc Willie at Dra. Liza Ong, tampok ang life story sa I Will: The Musical

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MULING mapapanood ng kanyang supporters ang magaling na singer/aktor na si Gerald Santos na gaganap bilang doctor sa isang musical play, ang I Will: The Musical.

Ito ay base sa life story nina Doc Willie Ong at Dra. Liza Ong, na gagampanan ni Gerald ang una. Si Gerald ay nakilala sa mga musical plays na Miss Saigon at Sweeney Todd. Katambal niya rito si Paulina Yeung ng The King and I. Gumaganap si Paulina rito as Dra. Liza Ong, ang maybahay ni Doc Willie.

Nang matanong si Gerald kung ano ang pakiramdam na gagampanan niya ang buhay ni Doc Willie na kilalang matulunging doktor, sikat na Youtuber, at kandidatong Bise Presidente ng bansa, kasangga ni Mayor Isko Moreno. Ito ang kanyang tinuran:

“I am deeply honored to essay the life of Doc Willie Ong. Pinag-aralan ko muna nang husto kung ano ang mga pinagdaanan niya para magampanan ko nang mabuti ang role ko and thankful ako na nabigyan ko naman ng justice ito.

“Pero hindi biro ang pinagdaanan ng lahat ng casts. Sobrang dedicated kasi ang lahat ng kasali rito sa kanilang craft,” esplika ni Gerald.

Ano pa ang ibang paghahanda ang ginawa niya para sa papel ni Doc Willie?

Pahayag ni Gerald, “Unang-unang ginawa ko, I watched Doc Willie’s mga videos, tapos yung movie niyang I Will: The Movie, pinapanood niya sa amin iyon. And along the way talaga, si Doc Willie actually ay hands on siya, eh. Nandyan siya lagi to advise me na ganito ang pakiramdam ko noong time na iyan, ganito ang sitwasyon…

“So hindi ako nahirapan actually, sa pag-immersed sa character niya. Kasi, Doc Willie was there along the way to guide me.”

Kasama rin sa cast sina Ima Castro (Miss Saigon, Sweeney Todd) as Doc Willie’s mother; Bo Cerrudo (The King and I) as Doc Willie’s father and Robert Seña (Miss Saigon) as Col Ouano. Bahagi rin ng ensemble actors sina Roxy Aldiosa, Victoria Mina, Audrey Mortilla, Alexa Prats, Ivy Padilla, Khalil Tambio, Jay Barrameda, Lance Soliman, Miguel Rivilla, at Vince Conrad.

Tumatakbo ang istorya tungkol sa mental health issues, familial dysfunction, bullying, at public service.

Ang I WILL: The Musical ay isa ring tribute sa ating healthcare frontliners who are the real heroes of this pandemic. Ito ay naglalayon din na magbigay ng inspirasyon sa mga tao upang mapaglabanan ang mga pagsusubok na nararanasan sa buhay ng karamihan, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Sa Music Museum kinunan ang mga eksena sa pamamagitan ng bubble set up alinsunod sa health and protocol ng IATF, habang ang rehearsals ay sa Divine Grace Leisure Park sa Lipa City.

I WILL: The Musical showcases 24 original songs na nilikha ng award-winning stage director na si Antonino Rommel Ramilo. Siya rin ang nagdirek ng play na ito.

Ayon pa kay Doc Willie, magaganda ang musikang ginamit dito na kung mabibigyan ng chance, posibleng more or less, sampu rito ay maging hit.

Aniya, “I’m proud to say na maraming magagandang kanta composed by Rommel and we can compare them with top OPM songs. Puwedeng maging hit songs, like Our Father’s Love na tungkol sa pagmamahal ng Diyos sa atin.”

Saad pa ni Doc Willie, “One of my favorite songs in the musical ay ang Empty, it deals with the pain of depression, na kung saan, part ng lyrics nito ay, ‘Is there a reason here, to go with my journey? And feel not sorry. Can someone help me? I’m lonely and empty’.”

Nabanggit naman ng direktor nitong si Doc Rommel na ilang ulit na-postpone ang musical play dahil sa pandemic, kaya mas lumaki ang gastos nito.

Esplika niya, “Dapat last May pa ito but na-postpone nang na-postpone because of the pandemic and lockdowns. Dumoble ang gastos namin dahil sa swab tests namin for all, before and after. We have to house them in hotels during rehearsals and the actual filming of the musical.

“Grabe ang hirap na dinanas namin to make this a reality, but Doc Willie and his wife, Liza, were very supportive all the way,” lahad pa niya. 

Ang simula ng online streaming ng I Will: The Musical ay sa October 16, 2021 sa KTX.ph for only PhP 249.

About Nonie Nicasio

Check Also

Arjo Atayde Judy Ann Santos John Arcilla The Bagman

Arjo dream come true makatrabaho si Juday — I appreciate her professionalism, pagiging mabait 

ni ROMMEL GONZALES MASAYANG nagkuwento si Arjo Atayde sa amin tungkol sa first taping day nila ni Judy …

Bea Alonzo Lyle Menendez

Bea tinuligsa sa Halloween costume, post dinilete agad

MA at PAni Rommel Placente KONTROBERSIYAL na naman ngayon si Bea Alonzo. Ito’y matapos siyang mag-post …

Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpasok sa politika — never mangangampanya at gagastos

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Vice Ganda ng dating manager na si Ogie Diaz para sa …

Ella May Saison Jay Durias

Jay at Ella magpaparinig ng love songs na nakaka-LSS

RATED Rni Rommel Gonzales SOLID na tagahanga ni Ella May Saison ang South Border vocalist na si Jay Durias. Kuwento …

Andre Yllana

Andre na-shock kotseng lumubog sa baha ‘di na naayos

RATED Rni Rommel Gonzales SARIWA pa sa isip ng marami ang pinsalang dulot ng super …