Saturday , November 16 2024

Cyber-libel ng DV Boer vs Hataw ibinasura (Sa Makati at Mandaluyong cities)

100421 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

IBINASURA ng Office of the City Prosecutor ng Mandaluyong ang reklamong paglabag sa Anti-Cyber Crime Law at Anti-Fake News Act na isinampa ni Dexter Villamin ng DV Boer International Corporation laban sa reporter at editor ng pahayagang HATAW D’yaryo ng Bayan.

Sa desisyon ni Fiscal Billy Joel M. Pineda, assistant city prosecutor ng Mandaluyong, naka­saad na ibinasura ang kasong isinampa ni Villamin laban kina Gloria Galuno, managing editor, at Rose Novenario, reporter ng HATAW dahil sa improper venue at panukalang batas pa lamang ang Anti-Fake News Act sa Senado kaya’t hindi puwedeng gamiting batayan para sa asunto.

Nag-ugat ang rekla­mo sa artikulong isinulat ni Novenario na inilathala sa HATAW na binanggit na ginamit ni Villamin ang impluwensiya ng mata­taas na opisyal ng gobyerno para palabasing lehitimo ang isinulong niyang multi-bilyong investment scam.

Ayon kay Pineda, walang hurisdiksyon ang Mandaluyong City Prosecutor sa mga reklamo dahil ang address na ibinigay ng tanggapan ng DV Boer na Unit 504, The Linden Suites , No. 37 San Miguel Avenue, Ortigas Center ay sa Pasig City taliwas sa sinabi ni Villamin na ito’y sa Mandaluyong City.

“Accordingly, the instant complaint was filed at the wrong venue, depriving this Office authority to rule on the instant complaint. Likewise record would bear that the subject article was first published in Intramuros, City of Manila – respondents address. Finally, complainant failed to present proof, showing the computer system utilized by respondents is situated in this city,” bahagi ng desisyon ni Pineda.

Giit niya, walang probable cause para ipagharap ng sakdal sina Galuno at Novenario dahil walang espesipi­kong batas para mag­parusa kaugnay sa fake news.

“Meanwhile, no probable cause exists against respondents for indictment under Anti-Fake News Act. For one there is no specific law yet providing for punishment as regards fake news. Complainant’s reliance on Senate Bill No. 1492 (Anti-Fake News Act) is blatantly misplaced as the said bill has not been passed into law yet by Congress.”

Habang sa desisyon ni Fiscal Macario F. Millendez, Jr., senior assistant city prosecutor ng Makati, ibinasura rin ang reklamong paglabag sa Anti-Cyber Crime Law at Anti-Fake News Act na inihain ni Villamin laban kina Galuno at Novenario bunsod ng kawalan ng hurisdiksyon ng kanyang tanggapan para dinggin ito.

Wala pa rin aniyang batas na Anti-Fake News Act para maging basehan sa reklamo ni Villamin.

Batay sa pinaka­huling ulat, pinagha­hanap ng mga awtoridad si Villamin at ibang matataas na opisyal ng DV Boer dahil sa two counts ng syndicated estafa na isinampa laban sa kanila ng isang dating professional banker at sub-farm owner.

Inilabas kamakailan ni Quezon City Regional Trial Court Branch 91  Judge Kathleen Rosario Dela Cruz-Espinosa ang warrant of arrest laban kina Soliman Villamin Jr., a.k.a. Dexter Villamin, Joselyn Villamin, Soliman Villamin, Sr., Preciosa Villamin-Cabrera, Eric Villamin, Ferdinand Villamin, Marianne Co, Ina Alleli Co, Lovely Corpuz, Joy Arevalo, Krizza Peracho, Dr. Reynaldo Bello, Rosalyn Alvarez, Jayson Ray San Pedro, at David Jericho Perez.

Non-bailable offense ang  syndicated estafa.

Ang warrant of arrest laban sa kanila’y bunsod ng inihaing reklamo ng biktimang si Gilbert Buguia, dating professional banker, chief executive officer at president ng North Winds Fine Herd International Inc., isang accredited sub-farm ng DV Boer, sa paghimok sa kanyang maglagak ng P21.5 milyon sa agribusiness ngunit hindi ibinigay ang naipangakong return on investment na 30% per annum at winaldas ang pera.

May inilabas din na warrant of arrest laban sa kanila ang Branch 68 ng Regional Trial Court sa Binangonan, Rizal sa kasong syndicated estafa.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …