Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diane de Mesa

Diane de Mesa, pinaplantsa na ang 5th album

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SADYANG ibang klase ang talento ni Diane de Mesa sa musika. Bukod sa magaling na singer at isang dedicated na nurse sa Amerika, isa rin siyang prolific na songwriter.

Sa aming short na huntahan via FB, nabanggit niya ang ginagawang paghahanda sa bago niyang album.

Lahad ni Ms. Diane. “Ang aking fifth album, next year ang planned year na ma-release ito. Si Elmer Blancaflor ang arranger ng aking buong album at ako lahat ang nagsulat ng mga kanta.”

Ngayong papalapit na ang Christmas season, tinanong namin siya sa kanyang Pamaskong kanta.

Aniya, “Ito iyong Tuloy-tuloy pa rin ang Pasko na nai-release bilang Pandemic single. Ito ay para magbigay ng pag-asa sa bawat isa na sa kabila ng pandemya ay pagmamahal ang dapat manaig sa bawat isa at dahil ito ang diwa ng Pasko.”

Dagdag pa niya, “Mayroon din akong Sa Pagsapit Ng Pasko, original also, na para na­man sa mga nangungulila at malayo sa kanilang mga mahal sa Kapaskuhan. Mapapakinggan ang aking mga awitin sa Spotify, Apple Music, Youtube Music at sa iba pang mga digital platforms.”

Incidentally, congrats sa tinaguriang Princess of Love Songs dahil ang album niyang Fly Away ay malapit nang maka-one million streams sa Spotify.

Sa gaganapin namang 34th Awit Awards, grabe ang dami ng hinakot na nominasyon niya rito. Kabilang sa mga kantang nominado si Ms. Diane sa siyam na kategorya ang Best Performance by a Female Recording Artist – Akala Ko, Song of the Year – Akala Ko, Best Global Recording Award – Akala Ko, Best Ballad Recording – Akala Ko, Best Pop Recording – Kung Iwanan Ka, Best Rock/Alternative Recording – Parang Baliw, Best Inspirational Recording – Your Healing Hands, Best Christmas Recording – Tuloy-tuloy Pa Rin Ang Pasko, at Best Music Video – Tuloy-Tuloy Pa Rin Ang Pasko.

Nagbigay din siya ng mensahe sa mga walang sawang sumusuporta sa kanya. “Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga followers ko at lahat ng sumusuporta sa aking musika. Sa lahat ng Dianaticz, DDM Studio Live followers, ATC International followers, and DZRH fam, please keep safe and healthy. Mahal ko kayong lahat!” masayang sambit pa ni Ms. Diane.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …