Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Doktora sa Abra niratrat patay sa atake sa puso

SUGATAN ang isang doktor, ngunit binawian ng buhay kalaunan nang atakehin sa puso, matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa kanyang bahay sa bayan ng Pilar, lalawigan ng Abra, nitong Sabado ng gabi, 18 Setyembre.

Kinilala ang biktimang si Amor Trina Dait, 53 anyos, isang doktor at natalong kandidato sa pagka-alkalde noong Mayo 2019.

Tinamaan si Dait ng bala sa kanyang leeg at dinala sa Abra Provincial Hospital kung saan siya namatay dahil sa atake sa puso habang nilalapatan ng lunas.

Ayon sa pulisya, kasalukuyang nakaupo si Dait at ang kaniyang asawa sa balkonahe ng kanilang bahay sa Brgy. Poblacion, sa naturang bayan, nang dumating ang suspek sakay ng motorsiklo dakong 7:30 pm, saka limang beses nagpaputok ng rifle.

Narekober ng mga imbestigador ang limang basyo ng bala ng M16 rifle sa pinangyarihan ng krimen.

Samantala, naniniwala si Abra Congressman JB Bernos, may kinalaman sa politika ang pamamaril dahil kilalang lider ng oposisyon sa naturang bayan si Dait.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …