Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Makhoy Cubales
Makhoy Cubales

Makhoy Cubales gustong magbalik-showbiz, lalabas sa isang US magazine

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO si Makhoy Cubales na nami-miss na niya ang buhay-showbiz.Ayon satalented na international model, singer, producer ng mga show, businessman, at pilantropo, sa lahat ang nami-miss niya ay ang kanyang pagiging modelo.

Aniya, “Regarding po sa pagiging model, nakaka-miss lalo na ‘yung international scenes, ‘yung makaka-two countries ka in a week – city from city…

“Pero ngayon masaya rin na nagagawa ko iyong mga gusto ko as a regular person, na ‘di na kailangan pumorma. But I make sure na name-maintain ko ‘yung looks ko.”

Game ba siya sakaling may offer na BL serye o pelikula?

Tugon ni Makhoy, ”Yes naman Tito Nonie, kahit hubaran pa, hahaha! As long as maayos ang story, game naman ako. Siguro naman kaya ko pa rin talaga, since naaalagaan ko naman ‘yung sarili ko ngayon.”

Saad pa niya, “Marami na rin alok sa akin na kahit paano subukan iyang BL, pero right now, sobrang nag-e-enjoy talaga ako sa lifestyle ko… Iyong Marc na lang ako, na hindi katulad dati na puno ng guard at PA, plus limited ‘yung kilos at galaw ko.”

Nagba-vlog pa rin ba siya?

Nakangiting saad niya, “Hindi na tito, actually isinara ko iyong insta ko after hitting 260k followers. Nagti-Tiktok ako pero limited, for fun lang.”

Nabanggit din ni Makhoy kung paano niya name-maintain ang kanyang magandang pangangatawan, sa gitna ng pandemic.

“Right now, masasabi ko po na nakatulong talaga sa akin nang sobra ‘yung pag-aalaga ng Beautylab sa Manila.

“Yes tito, I’m not afraid to say na sila ang nagme-maintain ng katawan ko, lahat- lahat na. Siyempre kahit pandemic, kailangan na maintain ko ‘yung katawan ko, just in case na may magustuhang project. Kaya salamat talaga sa Beautylab at kina Ate Lilibet at mga kasama niya,”

Ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon?

Esplika ni Makhoy, “Business Tito, babalik ako sa pagde-develop ng property sa Thailand, at right now, mako-confirm ko na lalabas ako sa isang US magazine. Bale special project ito ng very talented na German designer na kilala nating lahat at alam kong mahal din ng mga press.

“Marami siyang ilalabas na line and I’m very happy na I’ll be part of it. Sabi ko modelling is just part of the past already, but yet she thought I can still go back. At least para maiba naman ngayon, kung dati ay billboard at ads sa London, this time ay sa America naman. So I feel really blessed, Tito.”

Bago nagtapos ang aming huntahan sa FB, nasabi niya sa amin na in the future ay plano rin niyang magdirek at magprodyus ng pelikula.

“Kung may option talaga ay mas gusto kong nasa likod muna ako ng camera, tinitingnan ko kasi iyong option na mag-produce ng pelikula at mag-aral ng directing.

“Romcom siguro ang gusto kong idirek kung sakali, para mas maaliw iyong mga tao sa mapapanood nila. Palagay ko kasi, iyon ang kailangan natin sa panahon ngayon, e.”

Sino ang gusto niyang idirek? “Iyong mga bagong artist ngayon, since I find newcomers today na may mga talent din talaga e,” sambit ni Makhoy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Unang Hirit

Isang linggong sorpresa inihatid ng UH

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGANG mga sorpresa ang hatid ng Unang Hirit para sa masayang week-long anniversary …

Odette Khan Bar Boys 2, After School

Ms Odette Khan binigyan bonggang pagpapahalaga sa Bar Boys 2

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAIYAK kami sa tila mala-tribute na pag-welcome kay Ms Odette Khan ng buong …

Rabin Angeles Angela Muji

Rabin sobrang na-challenge sa lauching movie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA talaga ang Viva Entertainment dahil sa pagpasok pa lang ng 2026, heto …

Rabin Angeles Angela Muji Crisanto Aquino

Rabin inamin matagal nang crush si Angela, A Werewolf Boy binago ang ending

NAKAGUGULAT ang tinuran ni Rabin Angeles nang amining bata pa man siya’y crush na niya ang ka-loveteam …

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …