Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Raymund Isaac
Raymund Isaac

Celebrity photographer Raymund Isaac pumanaw na

HATAWAN
ni Ed de Leon

PINAG-UUSAPAN nila ngayon ang pagpanaw ng photographer na si Raymund Isaac dahil sa komplikasyon ng Covid19. Isang kilalang photographer si Raymund at lahat halos ng mga artista natin na nagkaroon ng malaking projects tiyak na sa kanya nag-pictorial. Isa sa pinaka-close sa kanya at laging sa kanya nagpapakuha ng picture ay si Ate Vi (Vilma Santos).

Umalis siya sa Pilipinas at nagpunta sa US kasama ang kabigan niyang si Jayson Vicente na pinakasalan niya sa California noong July 15. Doon kasi ay kinikilala ang same sex marriage. Matapos lamang ang ilang araw, si Raymund din ang nagsabi na tinamaan siya ng Covid, iyon ay sa kabila ng kanyang pagpapabakuna sa US pa ha. Marahil nagkaroon siya ng depression dahil hindi niya nagawa ang gusto niyang gawin sa US dahil sa sakit, na naging dahilan ng patuloy niyang paglala, hanggang noong Biyernes nga, September 3, sinasabing binawian na siya ng buhay. Matagal din siyang intubated, at under sedation. Mahirap ang kanyang naging sitwasyon, pero ngayon nga natapos na ang lahat ng hirap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …