Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gwen Garci topless
Gwen Garci topless

Gwen Garci, nag-topless at nagpasilip ng puwet sa Paraluman

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

WALA pa ring kupas ang kaseksihan ng former Viva Hot Babe na si Gwen Garci. Kaya naman in demand pa rin siya sa mga pelikula, lalo na kapag kailangan ng sexy role.

After lumabas sa pelikulang Nerisa na pinagbidahan ni Cindy Miranda, mapapanood naman si Gwen sa Paraluman na tinatampukan ng isa sa most promising stars ng Viva, si Rhen Escaño at ang nagbabalik-pelikulang 90’s heartthrob na si Jao Mapa.

Ano ang role niya sa Paraluman?

Esplika ni Gwen, “Ang role ko sa movie ay isang kapitana ng barangay, na sobrang love ang boyfriend niya na si Jao Mapa. At the same time, bipolar, at multi -tasking.

“Iyon po muna ang masasabi ko, panoorin nyo na lang po… kasi ibang Gwen Garci ang makikita nila sa pelikulang ito,” nakangiting pahabol ng aktres.

Aniya pa, “Iyong sa Paraluman po, nag-audition ako rito. At mabuti na lang po ay pinili ako ni Direk Yam, kaya nagpapasalamat din po ako sa kanya.”

Nabanggit din ni Gwen na isa ito sa pinaka-daring na projects na ginawa niya.

Ano ang ipinakita niya sa Paraluman? Lahad ng aktres, “Dito po kasi ay nag-topless ako, pero hindi ko alam kung isasama nila ‘yung eksena. At saka may butt na makikita rito, may pasilip… plus may shower scene rin.”

“Actually, sa career ko naman ay marami na akong naipakita na daring. Siguro now, mas maganda kung ang papansinin naman nila sa akin ay ang acting ko. Hahaha! Kung kamusta ba ang acting ko?” Nakatawang hirit pa niya.

Ayon pa sa aktres, nag-eenjoy siya sa takbo ng kanyang career ngayon.

“Yes po, sobra! Kaya ang laking pasasalamat ko sa aking Viva Family,” matipid na sambit pa ni Gwen.

Kamusta ang love scene nila rito ni Jao, palaban din ba ang aktor dito?Nakatawang wika ni Gwen, “Come back movie kasi ito ni Jao, so kailangan talaga na maging palaban siya.”
Ang Paraluman ay isang pelikulang erotic-drama-love story na pinamahalaan ni Direk Yam Laranas
Umiikot ang istorya nito kay Peter (Jao) na kalive-in ng barangay worker na si Giselle (Gwen). Makikilala nila si Mia (Rhen), ang nakababatang kapatid ng kanilang kaibigan na galing sa probinsiya. Hindi magtatagal ay mahuhulog ang loob ni Mia kay Peter na ‘di hamak na napakalaki ng tanda sa kanya, at nakatakda na rin silang ikasal ni Giselle.

Kailangang mamili ni Peter kung sino ang mananaig sa kanyang puso. Si Mia ba na halos dalawampung taon ang tanda niya at kadarating lang sa buhay niya o si Giselle na matagal na niyang kasama at walang ibang gusto kung hindi ang makasama siya habang buhay?

Ito ang unang pagkakataon na magkakapareha sa pelikula sina Rhen at Jao, kaya naman kaabang-abang ang kanilang on screen chemistry.

Anyway, maraming bago at exciting na aabangan sa PARALUMAN, kaya manood na sa September 24, streaming online at VIVAMAX. Maaaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net. Mag-download na rin ng app at mag-subscribe via Google Play Store, App Store at Huawei AppGallery.

Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Mayroon pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax. Puwede mo na rin i-cast ang mga shows sa inyong Smart TV sa pamamagitan ng Google Chromecast or Apple TV. Puwede kang magbayad gamit ang GCash, Globe, Smart, Visa/Mastercard, PayMaya o PayPal account na naka-link sa iyong Google or Apple account.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …